Balita

Umatungal na si Tiger

-

CARNOUSTIE, Scotland (AP) — Buhay na buhay ang Carnoustie. May dahilan para sa panibagong kasiyahan at pananabik ang golfing community. Sa unang pagkakatao­n makalipas ang ilang taong pamamahing­a, kabilang si Tiger Woods sa contender para sa British Open.

Mistulang nagbalik ang kabataan ni Tiger Woods sa impresibon­g laro sa third round na tinampukan ng 40-foot birdie putt sa No. 9, birdie sa No. 10, at tap-in birdie sa No. 11. Iisa ang hinuha ng golfing fans – may sorpresang magaganap sa Open.

At sa pagtatapos ng kanyang round, kasama ang 14- time major champion sa leaderboar­d sa naiskor na 6-under par.

“It would be ... better on Sunday,” pahayag ni Woods, umiskor ng 5-under 66 sa third round. “But I’m right there.”

Kung hindi nag- bogey sa par-3 16th, nakuha ni Woods ang solong liderato.

Hindi naman pinakamati­kas na iskor ang 66 ni Woods – umiskor si Justin Rose ng 64, sina Jordan Spieth at Francesco Molinari ay parehong 65 — ngunit, nakatuon ang pansin at interest ng mga tagahanga ni Woods na lalaban sa titulo sa unang pagkakatao­n sa major makalipas ang 10 taon.

Kasama si Woods sa anim na players na may iskor na 5-under overall, apat na puntos ang layo sa lider.

“It’s been a few years since I’ve felt like this,” sambit ni Woods.

“You’re the man, Tiger, everyone knows it,” sigae ng isang tagahanga na sumusubayb­ay kay Woods.

 ?? AP ?? WOODS: Contender sa major tournament matapos ang 10 taon.
AP WOODS: Contender sa major tournament matapos ang 10 taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines