Balita

NCAA Player of the Week 2 si Calvo

- Marivic Awitan

SA sandaling kailangan ang kanyang pamumuno, tumugon sa hamon ang beteranong guard na si JP Calvo.

Pagkatapos matalo ng Letran Knights sa una nilang laro kontra University of Perpetual Help Altas, hiniling ni coach Jeff Napa na magstep up at mamuno ang kanyang mga beteranong manlalaro.

Agad naman itong tumimo sa puso ni Calvo at pinamunuan ang Knights sa 83-76 panalo kontra San Sebastian College Stags nitong Biyernes.

Nagtala ang reliable point guard ng 16 puntos mula sa 6-for11 shooting para pangunahan ang opensa sa second half.

Dahil sa ipinakita niyang liderato, nakamit niya ang parangal bilang ikalawang Chooks-To-Go/NCAA Press Corps Player of the Week ng Season 94.

“Kasi ang maganda lang dito nagtutulun­gan kami,” ani Calvo. “Tinutulung­an din nila ako kung paano ko sila dalhin.”

Kinausap ni Napa si Calvo, at isa pang beterano na si Bong Quinto para pamunuan ang Knights patungo sa tamang direksiyon.

“Kinausap ko yung dalawang veterans ko,” wika ni Napa. “Pinakata ko sa kanila yung bigger picture. Yung teammates nila sumunod naman sila.”

Hindi naman sinolo ni Calvo ang kredito. “Sa dulo, sila ( teammates) yung kakapitan ko.Nagtutulun­gan lang kami.”

Tinalo ni Calvo para sa lingguhang citation sina Quinto, Ian Alban at Levi Dela Cruz ng Arellano, ay Yankie Haruna ng St. Benilde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines