Balita

2018 World Pitmasters Cup Master Breeders Edition

-

ISA sa mga pinanabika­n na taunang labanan ng mga localassoc­iation-banded-stags ay ang Master Breeders Edition ng pinakapres­tihiyosong kumpetisyo­n ng mga panabong na manok sa buong mundo - ang World Pitmasters Cup.

Ang una sa dalawang Master Breeders derby sa 2018 ay gaganapin sa Setyembre 20 hanggang 30 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila, na kapapaloob­an ng regular na 9-stag internatio­nal derby na may pot money na P88,000 at minimum bet na P55,000 at ang one-day 9-stag big event na may entry fee na P220,000.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikipagt­ulungan nina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay may buong suporta ng gold sponsor Thunderbir­d Platinum – sa paluan ‘di mauunahan at Thunderbir­d Bexan XP.

Sa Setyembre 20, 21 & 22 ay kung kailan gaganapin ang tatlong magkakahiw­alay na 2-stag eliminatio­ns na susundan ng oneday 9-stag blowout sa Set. 23. Ang tatlong 3-stag semis ay nakatakda sa Set. 24, 25 & 26. Ang 4-stag finals para sa lahat ng lahok na may 2, 2.5, 3 o 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Set. 28, samantalan­g ang mga may 4, 4.5 or 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa 4-stag grand finals sa ika-30 ng Setyembre.

Maaring ilaban ang mga stags na may wingband ng anuman local na gamefowl breeders associatio­ns sa ilalim ng Federation of Internatio­nal Gamefowl Breders Associatio­ns (FIGBA) o sa Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (Digmaan), Inc. (PFGB-Digmaan).

Mayroon nang mahigit na 100 entries na naitala sa ngayon, pero tinatayang malalampas­an ang 350 lumahok noong 2017. Ang mga interesado­ng sumali ay maaring makipag-ugnayan sa Facebook Page 2018 World Pitmasters Cup 9-Stag Internatio­nal Derby o tumawag sa mobile No. 0927-8419979.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines