Balita

6 patay sa mga bagyo, pinsala nasa R400M na P. 2

- Fer Taboy, Francis Wakefield, at Light Nolasco

Anim na katao ang nasawi habang may ilan din na nasugatan dahil sa epekto ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, iniulat kahapon.

Iniulat kahapon ng Bataan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na isang magkapatid ang nasawi makaraang maguhuan ng pader ng kanilang bahay nang magkaroon ng landslide sa bayan ng Balanga.

Sampung bayan at isang lungsod sa Bataan ang lubog sa baha na dulot ng tuluy-tuloy na ulan, ayon sa PDRRMO.

Kasabay nito, iniulat ni Angie Layug, ng Olongapo City, Zambales DRRMO na dalawa rin ang namatay sa landslide sa Barangay Mabayuhan.

10-TALAMPAKAN­G BAHA

Aabot naman sa 300 pamilya sa siyudad ang inilikas dahil sa baha, na umabot sa 10 talampakan ang lalim sa 16 na barangay sa lungsod, ayon kay Anthony Bayarong, ng City Public Affairs Office.

Nasa 285 pamilya, o 1,346 na katao ang inilikas dahil sa baha.

Kinumpirma rin kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dalawang iba pa ang nasawi sa epekto ng habagat, na pinaigting ng magkakasun­od na bagyong ‘Henry’, ‘Inday’, at ‘Josie’.

Kinilala ni Undersecre­tary Ricardo B. Jalad, executive director ng NDRRMC at concurrent administra­tor ng Office of Civil Defense (OCD), ang dalawang nasawi na sina Luisa Pelew, 54, ng Bontoc, Mountain Province; at Angelito Jipulan, 43, ng Bgy. Nagsaha, Guihulngan City, Negros Oriental.

Ayon kay Jalad, ang pagkamatay ni Pelew ay kinumpirma ng Cordillera Police Regional Office, habang si Jipulan ay natangay ng malakas na agos habang tumatawid sa ilog sa pagitan ng mga barangay ng Nagsaha at Villegas sa Guihulngan nitong Hulyo 16.

Nasugatan naman si Frauline Magwa, tagaBontoc, Mountain Province, habang nawawala si Brix Boticario, 17, ng Bronco Compound, Bgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Sa Licab, Nueva Ecija, mahigit 4,000 pamilya ang nasalanta ng Josie, at nalubog sa baha ang 16 sa 17 barangay nito noong Sabado makaraang umapaw ang mga ilog ng Labong at Kaputatan. Nagdeklara na ng state of calamity sa Licab.

PINSALA NASA P400M NA

Samantala, sinabi ni Jalad na papalo na sa P400 milyon ang pinsala ng baha at magkakasun­od na bagyo sa imprastruk­tura at agrikultur­a.

Inihayag din ng opisyal na habang isinusulat ang balitang ito ay nasa pitong siyudad at munisipali­dad na sa Metro Manila, Regions 1, 2 at 4A ang nasa state of calamity.

Kinumpirma rin ni Jalad na may 50 kalsada at apat na tulay ang hindi madaanan sa ngayon sa Regions 1, 3, 6, at Cordillera, habang 344 na lugar ang nalubog sa baha, kasabay ng pagkasira ng 157 bahay sa mga apektadong lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines