Balita

Bálat ni Janine, sinisi

- Nitz Miralles

NABASA namin ang maiksing birthday greeting ni Janine Gutierrez para sa boyfriend na si Rayver Cruz nitong July 20.

Isang maikling “happy birthday kidlat” ang bati ni Janine. Sinagot naman ito ni Rayver: “Buo na ang araw ko hehe thank you”.

Bukod sa nasabing birthday greetings, iniregalo rin ni Janine sa BF ang kanyang presence nang dumalo siya sa family birthday dinner ni Rayver, na immediate family lang ang invited.

Kabilang sa mga nakita namin sa dinner ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz at fiancée nitong si Dianne Medina. Naroon din ang hindi namin sure kung girlfriend o misis ng eldest brother nina Rayver at Rodjun.

Sa mga naghihinta­y naman sa paglipat ni Rayver sa GMA-7, sinabing tatapusin muna ng aktor ang Bagani sa ABS-CBN bago siya lumipat sa Siyete para magkasama na sila ni Janine sa network.

Speaking of Janine, ayaw pa rin siyang tigilan ng pamba-bash dahil lang isa siya sa mga leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol.

Nakakatawa na pati birthmark ni Janine ay i-bash. Malas daw ang bálat ng aktres sa braso, na nagawa ring sisihin ng basher sa paghihiwal­ay ng parents ni Janine na sina Lotlot de Leon at Ramon Christophe­r Gutierrez. Sinagot ni Janine ang basher, hindi para awayin. Sabi lang niya: “Kawawa naman ‘yung bálat ko.” Ang supporters ni Janine ang kumuyog sa nasabing basher, na wala na rin namang magagawa dahil tuloy na sa Monday, July 30, ang pilot ng Victor Magtanggol, pagkatapos ng 24 Oras.

Sa Victor Magtanggol, ginagampan­an ni Janine ang role ni Gwen Regalado, galing sa prominente­ng political family pero walang interes sa pulitika. Isa siyang TV field reporter na nakatutok sa mga adventures ni “Hammerman”.

 ??  ??
 ??  ?? Janine at Rayver
Janine at Rayver

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines