Balita

PINATALSIK!

Speaker Alvarez sinipa, pinalitan ni GMA

- Ni BEN R. ROSARIO

Ilang minuto bago dumating sa Batasan Complex sa Quezon City si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang State-of-the-Nation Address (SONA) mag-aalas kuwatro ng hapon kahapon, inalis sa puwesto ng mga kongresist­a si House Speaker Pantaleon Alvarez at pinanumpa bilang kapalit niya si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria MacapagalA­rroyo.

Habang nanunumpa bilang bagong pinuno ng Kamara de Representa­ntes, sinalubong naman ni Alvarez si Pangulong Duterte sa pagdating nito sa Batasan, na mistulang walang alam sa nangyayari sa loob ng Plenary Hall.

Nauna rito, nabigo ang Kamara na ratipikaha­n ang Bangsamoro Organic Law (BOL), na una nang pinagtibay ng Senado.

Itinakda at inaasahan na ang pagratipik­a ng dalawang Kapulungan sa BOL upang malagdaan ni Pangulong Duterte ang makasaysay­ang panukala sa SONA kahapon.

Mismong si Alvarez ang nagbukas ng ikatlong regular session ng 17th Congress kahapon ng umaga at nagtalumpa­ti tungkol sa mga tagumpay ng Kamara sa nakalipas na Kongreso.

Naniniwala ang marami na valedictor­y speech ang ginawa ni Alvarez dahil napaulat na pumayag na itong bumaba sa puwesto upang bigyang-daan ang pamumuno ni Arroyo.

Tutol naman sa pagpapatal­sik kay Alvarez si Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, na nagsabing kung mangyayari iyon ay bababa na rin siya sa puwesto.

Hanggang sa biglang nagdeklara ng adjournmen­t si Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwendolyn Garcia, at kasabay nito, bigla na lang naglaho ang mace ng Kamara, na lagi lang nakasabit sa rostrum.

Nag-resume naman ng sesyon ang malaking grupo ng mga kongresist­a at nagsipagba­lik sa plenary hall pasado 1:00 ng hapon upang ipagpatulo­y ang mga deliberasy­on tungkol sa BOL at sa pagpapalit ng liderato ng Kamara.

Nabatid na nitong weekend lamang pinlano ang pagpapatal­sik kay Alvarez sa pamamagita­n ng serye ng mga pulong sa pagitan ng mga grupong kaalyado ng anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte at ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr., dating matalik na kaibigan at ngayon ay mortal na kaaway ni Alvarez.

Binuo rin ang “Alvarez Out” Viber group, na kinabibila­ngan din ni Mayor Duterte

Sa bisperas ng SONA, nagsimulan­g makatangga­p ang mga kongresist­a ng mga anonymous text message na nakasaad ang “vote for GMA.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines