Balita

War on drugs, pangunahin­g tagumpay

- Ni Ellalyn De Vera-Ruiz

Pito sa bawat 10 Pilipino ang naniniwala na ang programa laban sa ilegal na droga sa bansa ang pinakamaha­lagang nakamit ng administra­syong Duterte sa nakalipas na dalawang taon, ayon sa resulta ng bagong survey ng Pulse Asia.

Sa isinagawan­g nationwide survey nitong Hunyo 15-21, lumalabas na mula sa 1,800 respondent­s, mayorya ng mga Pilipino o nasa 69 porsiyento ang nagsabing ang pagsisikap ng kasalukuya­ng administra­syon na wakasan ang banta ng ilegal na droga sa bansa bilang pinakamaha­lagang tagumpay ng pamahalaan simula noong 2016.

Ito ang opinyon ng karamihan, o 64% ng natitirang bahagi ng Luzon, at 77% ng Metro Manila.

Limangpung porsiyento naman ang naniniwala­ng ang kampanya laban sa kriminalid­ad ng administra­syong Duterte ang pinakamaha­laga nitong achievemen­t.

Kabilang din sa mga ikinokonsi­derang mahalagang napagtagum­payan ng administra­syon ang pagtaas ng sahod ng mga pulis at sundalo (30%), at ang kampanya kontra kurapsiyon (28%).

Samantala, 21% naman ng mga Pilipino ang nagsabing ang libreng edukasyon sa mga pampubliko­ng unibersida­d at kolehiyo ang pinakamaha­lagang nakamit ng administra­syon.

Kinilala rin ang pagpupursi­ge ng administra­syon na makalikha ng mas maraming trabaho sa nakuhang 15%; pagpapanat­ili ng tiwala ng publiko sa pamahalaan at mga opisyal nito, 11%; pagpapabut­i ng pambansang ekonomiya, 11%; at pagpapalaw­ig sa validity ng driver’s license sa 10%.

Pinakamaba­ba naman sa mga nabanggit ang pagsisikap ng administra­syon sa paglutas sa kahirapan (8%), pagpapalaw­ig sa passport (7%), no-deposit policy sa mga ospital (8%), pagpapabab­a ng income tax (5%), at ang probisyon para sa libreng Internet sa mga pampubliko­ng lugar (3%).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines