Balita

Pagkakaisa vs pagkakawat­ak-watak

- Genalyn D. Kabiling Mary Ann Santiago

Pinaalalah­anan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga taong-Simbahan na sila ay tinawag ng Panginoon upang pagkaisahi­n ang mga tao at hindi para lumikha ng pagkakawat­akwatak sa lipunan.

Sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng 5th Philippine Conference on New Evangeliza­tion (PCNE5) nitong Linggo ng hapon, iginiit ni Tagle na ang nais ng Panginoon na magkaroon ng pagkakaisa ang mamamayan at maging isa sa pagkakaroo­n ng diwa ng pagmamalas­akit.

“It is not the role of the shepherd to scatter. The role of the shepherd according to the mind and heart of God is to gather and that is the root of the word Church, not division,” banggit ni Cardinal.

“All of us who have been called to follow Jesus and who have been given positions, calling and responsibi­lity over the others should be mindful of that,” paliwanag pa nito.

Nagbabala rin si Tagle laban sa paggamit ng Salita ng Panginoon para sa pansarilin­g interes at layuning walang kinalaman sa evangeliza­tion, dahil hindi aniya ito ang nais na mangyari ni Hesus.

“They say it’s the Gospel, it turns out to be an ambition. They say it’s aid, it turns out to be media mileage. They say it’s compassion, it turns out to be career,” aniya pa.

Ang PCNE5, na may temang ‘Moved with Compassion: Feed the Multitude,’ ay idinaos mula Hulyo 18 hanggang Hulyo 22, 2018 at dinaluhan ng tinatayang may 5,000 participan­ts mula sa buong mundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines