Balita

Guidelines pa-Kuwait ‘di pa rin naipatutup­ad

- Ariel Fernandez

Wala pa ring deployment ng domestic workers patungong Kuwait simula nang alisin ang ban dalawang buwan na ang nakalipas, at libu-libong aplikante ang naghihinta­y na makaalis.

Sinabi ni labor migration expert Manny Geslani na halos 5,000 overseas Filipino workers ang umaalis araw-araw padaan sa NAIA terminals sa Pasay para magtrabaho sa ibang bansa, at karamihan ay re-hires o pabalik sa kanilang mga kontrata sa parehong employers.

Gayunman, sa kabila ng pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa total ban ng OFWs sa Kuwait noong Mayo 16, 2018, wala pang household service workers ang naipadala sa Kuwait dahil ang implementi­ng guidelines na inilabas noong Hulyo 19, 2018 ay hindi pa rin enforceabl­e mula sa Philippine Overseas Employment Administra­tion na mamamahala sa mga patakaran para sa pagpapadal­a ng HSWs sa Kuwait.

Lumagda ang Kuwait at Pilipinas ng Memorandum of Understand­ing sa Kuwait noong Mayo 12, 2018 para sa mga hakbang na magpapabut­i sa kondisyon ng OFWs sa nasabing Gulf state.

Kasunod nito ay ipinag-utos ni Duterte ang pagalis sa “total lifting” para sa lahat ng manggagawa sa Kuwait. Gayunman, 60 araw na ang nakalipas ay naghihinta­y pa rin ang private sector na maipatupad ang guidelines makaraan ang publikasyo­n 15 araw mula sa petsang nilagdaan ni POEA Administra­tor Bernard Olalia para sa mga bagong patakaran na naglalatag ng mga probisyon ng MOU sa kontrata ng HSWs na napagkasun­duan ng Pilipinas at Kuwait.

Libu-libong aplikante na ni-recruit ng private recruitmen­t agencies patungong Kuwait ang naghihinta­y na maipatupad na ng POEA ang guidelines para sila ay makaalis na.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines