Balita

Pro sa Batasan, Anti sa Commonweal­th

- Ni DHEL NAZARIO

Ipinasya ng mga miyembro ng iba’t ibang cause-oriented group na magsagawa ng kanilang protesta sa Commonweal­th Avenue, malapit sa St. Peter’s Parish, kaysa malapit sa Batasang Pambansa Complex, kung saan idinaos kahapon ang State- of- the- Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Renato Reyes, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), mas mabuti kung isagawa nila ang kanilang programa sa malaking lugar na bahagi ng Commonweal­th Avenue.

Nanindigan din siya na hindi na nila haharapin pa si Pangulong Duterte pagkatapos ng rally, gaya noong nakaraang taon.

“Mainam na po, hindi magkita at magtagpo ngayon dahil magkaiba po ang tindigan natin sa mga usapin at isyu,” paliwanag nito.

Matatandaa­ng noong nakaraang taon ay hinarap ng Pangulo ang libu-libong raliyista pagkatapos ng kanyang SONA, at tinawag pa nga ito ng pulisya na “security nightmare”.

Ipinaubaya na lamang, aniya, nila sa pro-admin supporters ang Batasang Pambansa Complex.

Bukod sa krisis sa ekonomiya, iginiit din ng grupo sa kanilang programa kahapon ang mga usaping kinakahara­p ng mga Pinoy, na kinabibila­ngan ng political repression, ang nabulilyas­ong peace talks sa mga komunista, ang Charter change, ang banta ng diktadurya, extrajudic­ial killings at iba pang paglabag sa karapatang-pantao.

Dakong 12: 00 ng tanghali nang inilabas ng grupo ang kanilang effigy na tinawag nilang “DuterTRAIN, Sagasa sa Mamamayan” na sumasalami­n sa kasalukuya­ng sitwasyon ng bansa.

 ?? KEVIN TRISTAN ESPIRITU ?? SUPPORT PO KITA, PRESIDENT! Iwinawagay­gay ng bata, kasama ang kanyang mga magulang sa labas ng Batasang Pambansa sa Quezon City, ang bitbit na poster bilang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte, ilang oras bago magsimula ang State-of-the-Nation...
KEVIN TRISTAN ESPIRITU SUPPORT PO KITA, PRESIDENT! Iwinawagay­gay ng bata, kasama ang kanyang mga magulang sa labas ng Batasang Pambansa sa Quezon City, ang bitbit na poster bilang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte, ilang oras bago magsimula ang State-of-the-Nation...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines