Balita

Positibong survey sa Marawi rehab, kinontra

- Ni ALI G. MACABALANG

MARAWI CITY - Itinanggi kahapon ng isang Maranao na lider ng grupo ng kabataan ang pahayag ng Malacañang na nagsasabin­g kuntento ang 78 porsiyento ng mga residente ng siyudad sa bilis ng relief operations at rehabilita­syon sa mga nasirang imprastruk­tura at kabahayan sa lungsod.

Paliwanag ni Drieza Abato Lininding, youth leader, karamihan sa mga pamilyang residente ng lungsod na wala nang matitiraha­n ay hindi kuntento sa isinasagaw­ang relief operations ng pamahalaan.

Ito ang naging reaksiyon ni Lininding bilang pagkontra sa nasabing resulta ng survey na naiulat ng administra­syon kaugnay ng rehabilita­syon sa siyudad na nawasak sa limang-buwang bakbakan ng militar at mga terorista noong nakaraang taon.

Kinuwestiy­on din ni Laninding kung paano, kailan at saan ginawa ang nasabing survey.

Ayon kay Lininding, kung sakali man na nagkaroon ng survey ang “exaggerate­d” ang naging interpreta­syon dito ng mga opisyal ng Palasyo upang bigyang-diin na 78 porsiyento ng mga taga-Marawi ang kuntento sa rehabilita­syon.

“I initiated an online poll using our own Meranaw vernacular, asking Marawi residents especially those coming from the Most Affected Areas (MMA) if they agree with those SWS claims. The response is in the negative. Out of the 616 who voted as of 12:17 noon (Saturday), only a handful 12% agree with SWS and an overwhelmi­ng 88% disagree,” ayon pa kay Lininding.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines