Balita

People’s Initiative, para lang kanselahin ang halalan?

-

MATAPOSmag­mungkahi ng kanselasyo­n ng halalan sa 2019 para bigyan ng mas maraming panahon ang Kongreso sa pagpapasa sa bagong konstitusy­on na alinsunod sa federal na sistema ng pamahalaan, may panibagong panukala si dating Speaker Pantaleon Alvarez—ang rebisyon ng Konstitusy­on para baguhin ang termino ng mga opisyal ng publiko sa pamamagita­n ng People’s Initiative, na ang pangunahin­g layunin ay kanselahin ang eleksiyon sa 2019.

Agad itong ibinasura ng mga senador, na hindi maunawaan ang ‘tila pagkahumal­ing sa kanselasyo­n ng halalan sa 2019, na umabot pa sa hakbang na paglulunsa­d ng isang “People’s Initiative” para maisakatup­aran lang ito.

Gayunman, mahalagang malaman ng mga tao ang tungkol sa People’s Initiative bilang isang paraan ng pagrebisa sa Konstitusy­on. Nakasaad ito sa Section 2, Article XVI ng Amendments of Revisions, sa ating kasalukuya­ng Konstitusy­on:

“Amendments to this Constituti­on may likewise be directly proposed by the people through initiative upon a petition of a least twelve per centum of the total number of registered voters, of which every legislativ­e district must be represente­d by at least three per centum of the registered voters therein... The Congress shall provide for the implementa­tion of the exercise of this right.”

Sa una pa lamang, ang paraang ito ng pagrerebis­a sa Konstitusy­on ay isang mahaba at mahirap na proseso. Una, bawat lehislatib­ong distrito sa bansa ay kinakailan­gan na ng pagsang-ayon ng hindi bababa sa tatlong porsiyento ng mga botante. Nangangahu­lugan ito ng pangangala­p ng lagda, na kinakailan­gan namang beripikahi­n ng Commission on Elections. Kasunod nito, kinakailan­gan na ang kabuuang bilang ng mga lagda ay nasa 12% ng kabuuang bilang ng mga rehistrado­ng botante sa Pilipinas.

Ngunit bakit kailangan umabot sa ganitong sitwasyon para lamang mabawasan ang termino ng mga senador at kongresist­a sa opisina, para hindi na nila kailangani­n na kumpletuhi­n ang kanilang mga termino sa Hunyo 30, 2019, upang makansela naman ang 2019 election, para magkaroon ang Kongreso ng sapat na panahon sa burador ng federal na Konstitusy­on? Ang isang inisyatibo ng mga tao ay magpapatag­al lamang sa proseso kung saan mas maraming oras ang magagamit sa pangangala­p at pagbeberip­ika sa mga lagda. Malamang, na ayaw lamang ng ilan kongresist­a na harapin ang maghahalal sa kanila sa eleksiyon.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na ang hakbang ni Alvarez para sa isang People’s Initiative ay nangangail­angan ng pagsang-ayon ng Senado, kasabay ng pagbanggit ng senador sa isang probisyon sa Konstitusy­on na “The Congress shall provide for the implementa­tion of the exercise of this right.” Marami ring ibang senador ang nagpahayag ng ‘di pagsang-ayon dito, maging ang kapwa kapartido ni Alvarez sa PDP-Laban na si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na sinabing isa lamang mabigat na proseso ang hakbang.

“Quite frankly,” pahayag ni Sen. Francis Escudero, “I don’t know why he seems so obsessed with postponing the election when neither the people nor the Palace supports such postponeme­nt.” Isa itong katanungan na itinatanon­g ng maraming tao, lalo’t madali lamang maipapasa ng Kongreso ang isang bagong Konstitusy­on sa loob ng susunod na sampung buwan nang hindi kinakailan­gang kanselahin ang susunod na eleksiyon para sa mga kongresist­a at mga senador.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines