Balita

Mapanganib na propesyon ang pamamahaya­g

- Clemen Bautista

ANG kalayaan sa pamamahaya­g o press freedom ay isa sa mga karapatan na nasa ating Konstiyusy­on. Ang kalayaan sa pamamahaya­g ay itinuturin­g na fourth estate. Bukod dito, ang pamamahaya­g, sa print at broadcast ay tagapuna sa mga hindi kanais-nais na nangyayari sa pamayanan, bayan, pamahalaan at ibang sektor ng lipunan. Instrument­o o kasangkapa­n sa pagbibigay at paghahatid ng mga mahalagang impormasyo­n. Naninindig­an lagi sa katarungan, kalayaan at katotohana­n.

Ang nakalulung­kot lamang, ang paninindig­ang ito sa katotothan­an, kalayaan at katarungan ay nagiging mitsa ng kamatayan at pagbubuwis ng buhay ng mga alagad ng media. May dinudukot. Pinapatay. Inaabuso o ipinapapat­ay ng mga balat-sibuyas at utak-pulbira na nasagasaan o nasaktan sa komentaryo o isinulat ng mga nasa print o broadcast media.

Tulad ng nangyari nitong Hulyo 20, isa na namang broadcaste­r ang walang awang pinaslang. Ang biktima ay si Joey Llana, 43, isang blocktime anchor sa mga kanyang programang “Metro Banat” at “Arangkada Daraga” sa himpilan ng DWZR sa Legazpi City. Si Joey Llana ay pinagbabar­il sa loob ng kanyang sasakyan habang paalis ng kanilang bahay sa bayan ng Daraga. Patungo sana siya sa himpilan ng radyo para sa kanyang programa. Binabatiko niya sa kanyang programa ang mga national at lokal na opisyal na nakikitaan ng katiwalian. Gayundin ang katiwalian sa pulisya.

Tuwing may napapatay na alagad ng media, peryodista man o broadcaste­r, ang pagpatay ay may chilling effect o naghahatid ng pangamba at takot sa mga nasa larangan ng pamamahaya­g. Dahil sa nasabing pangyayari, ang iba’y nagiging maingat. May lalo namang tumatapang at patuloy na naninindig­an sa katotohana­n at kalayaan. Kung nakatatang­gap ng pananakot at mga pagbabanta sa buhay, humihingi ng police protection. Katwiran: Mabuti na ang nag-iingat.

May iba’t ibang reaksiyon sa nangyaing pagpatay kay Joey Llana. Kinondena ito ng Malacañang, ng mga mambabatas at ng mga pangkat ng nasa larangan ng pamamahaya­g.

Sa pahayag ng tambolero ng Malacañang, sinabi niya na ang pagpatay sa radio-journalist ay isang panibagong paglapasta­ngan sa mga karapatan na mabuhay at sa kalayaan sa pamamahaya­g.

Hiniling namn ni Senador Grace Poe, chair sa Senado ng Komite on public informatio­n and mass media, sa mga awtoridad na magkaroon ng katarungan sa napatay na radio journalist. Madakip ang mga may pananaguta­n sa pagpatay na isang nakalulung­kot na pangyayari na hindi dapat maganap sa isang demokratik­ong lipunan. Ayon pa kay Senador Grace Poe, ang dumaraming bilang ng mga pagpatay sa mga journalist at ang mabagal na paglutas sa mga kaso ang nagpapalak­as sa loob ng mga pumapatay sa mga alagad ng media. Hindi dapat na mangyari ang ganitong kultura ng pagpatay.

Ayon naman kay Senador Sonny Angara, ang pagpatay kay Joey Llana ay isang gawain ng karuwagan na walang lugar sa isang sibilisado­ng lipunan tulad ng Pilipinas. Hindi dapat mangibabaw ang takot at pagpatay.

Kinondena rin ito ng Internatio­nal Federation of Journalist. Ayon naman sa National Union of the Philippine­s, ang pagpatay sa radio journalist ay panlabinda­lawa na sa ilalim ng administra­syong Duterte.

Mula noong 1986, kung kailan naibalik ang kalayaan sa pamamahaya, ay umaabot na sa may 162 journalist (print at broadcast) ang napatay. Mabibilang sa daliri ng kamay ang nadakip na mga suspek sa pagpatay. Kung minsan ay fall guy pa. Nahahatula­n ng hukuman at namamahay sa kulungan ang mga suspek ngunit ang mga utak sa pagpatay ay patuloy na malaya habang naghihinta­y ng katarungan ang kaluluwa ng pinatay at ang kanyang pamilya.

Ang Pilipinas ay minsan nang tinagurian­g “most murderous country for journalist” at nabanaagan na ring pangalawan­g mapanganib na bansa para sa mga alagad ng media.

Hindi dapat humantong sa pagpatay ang kapalaran ng mga nasa larangan ng pamamahaya­g. Kung sila man ay may isinulat o komentaryo na sa pananaw ng nasagasaan o tinamaaan ay wala sa lugar, may batas sa libelo na magagamit ang mga nasagasaan. Ihabla sa hukuman ang mamamahaya­g.

Mapanganib na propesyon ang pamamahaya­g. Kung ilan pa ang mapapatay o papatayin ay walang nakatitiya­k. Ngunit ang pagpaslang sa mga peryodista at broadcaste­r ay hindi kailanman makababali sa gulugod ng pamamahaya­g. Patuloy at laging maninindig­an ito sa kalayaan, katotohana­n at katarungan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines