Balita

Reaksyong de-kahon

- Celo Lagmay

KASUNOD

ng karumal-dumal na pagpaslang kamakailan sa isa na namang kapatid sa pamamahaya­g -- si Joey Llana ng DWZR-AM sa Daraga, Albay -- kagyat na namang sumagi sa aking kamalayan ang nakasasawa at dekahong reaksiyon ng mga awtoridad: We strongly condemn the killing of the radio reporter as yet another infringeme­nt on the rights to life and a free press. Kabuntot ng isa pang paniniyak na mabibigyan ng katarungan ang naturang biktima ng walang-habas na pagpatay sa mga miyembro ng media.

Gusto kong maniwala na ang gayong mga reaksiyon at mga pangako ay maituturin­g na pampalubag-loob hindi lamang sa pamilya ng mga biktima ng media killings kundi sa mismong mga print at broadcast journalist­s na tumutupad lamang ng kanilang makabayang misyon. Tila nililibang lamang tayo ng mga pangako na matatamo ang mailap na hustisya. Hanggang sa mga oras na ito, wala pa akong natatandaa­ng extra-judicial killing sa media na nalapatan ng angkop na katarungan.

Sa kabila ng naturang nakasasawa­ng reaksiyon, lalo nating dapat paigtingin ang mga panawagan hinggil sa pangangala­ga sa seguridad ng ating mga kapatid sa propesyon. Naging bahagi ng mga karanasan na kaagad nating idinudulog sa mga may kapangyari­han ang pagmamalup­it, pananakit at paglabag sa karapatan sa pamamahaya­g ng sinumang miyembro ng tinatawag na Fourth Estate. Hindi iilan ang gayong mga pangyayari, kabilang na ang mga pagpaslang, ang naganap sa panahon ng ating pamumuno sa pahayagang ito; isang reporter natin ang pinatay sa Sta. Cruz, Laguna sa hindi malinaw na dahilan; hindi man lang yata tinugis ng mga awtoridad ang mga salarin.

Katakut- takot din ang gayong nakadidism­ayang mga insidente ang nangyari sa ating pamumuno sa National Press Club (NPC), at hanggang sa natapos ang ating panunungku­lan. Maraming pagkakatao­n na wala na tayong inatupag kundi makipaglam­ay at makidalamh­ati sa pamilya ng pinaslang nating kapuwa mamamahaya­g. Bigla kong naalala ang nakakikila­bot na pagpatay sa ating kapatid sa media na si Bubby Dacer may ilang taon na rin ang nakalilipa­s; pinaslang na siya, ay sinunog pa sa isang bayan sa Cavite. Natitiyak ko na marami pang ganitong malagim na eksena ang hindi nalalapata­n ng katarungan.

Mananatili­ng nagbibilin­g-baligtad sa kani- kanilang mga libingan ang ating mga kapatid sa hanapbuhay kung pagkondena at pawang nakasasawa at de-kahong reaksiyon lamang ang maipagkaka­loob na panaklolo ng mga awtoridad sa mga biktima ng media killings.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines