Balita

Sara, hindi tatakbo sa pagka- senador

- Bert de Guzman

LAGIN

G kasama sa listahan ng Magic 12 ang pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD), na iboboto ng mga tao bilang senador sa 2019 midterm elections. Gayunman, hindi pala siya tatakbo sa pagka-senador, ayon sa kanyang ama. Hindi raw dapat paniwalaan si Inday Sara dahil tulad niya, “inuuga lang niya ang puno” upang magulantan­g ang mga mamamayan.

Ipinasiya ng Bureau of Immigratio­n (BI) na ipatapon si Sister Patricia Fox matapos ang mahigit isang buwang pakikipagl­aban niyang manatili sa Pilipinas, na 27 taon na niyang pinaglilin­gkuran bilang isang missionary. Samakatuwi­d, babalik sa bansang Australia ang 72-anyos na madre na pinagbibin­tangan ng Duterte administra­tion na nanghihika­yat sa mga tao para labanan ang gobyerno. Itinanggi ito ni Fox at sinabing ang tanging layunin niya ay tumulong sa mga katutubo (Indigenous People), mahihirap, at sa mga taong nasa laylayan ng lipunan.

Salungat si Mano Digong na ipagpaliba­n ang halalan sa 2019. Gusto ng kanyang kaalyado at kaibigang Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na ipagpaliba­n ang eleksiyon upang umano’y matutukan ng mga senador at kongresist­a ang Charter Change (Cha-Cha) o ang pagpapatib­ay sa isang federal system of government kapalit ng umiiral ngayong presidenti­al form.

Pero iba ang takbo ng isip ng kaibigan ko. Takot lang daw si Alvarez na magkaroon ng eleksiyon dahil ang ilalaban sa kanyang distrito sa Davao ay ang kanyang ginang. Suportado raw ang ginang nina Mayor Sara, Davao del Norte Representa­tive Antonio Floreindo, at Governor Del Rosario. Malamang daw na matalo si Alvarez.

Sinabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque na bagamat kontra si PRRD sa election postponeme­nt, hindi naman daw pipigilin ng pangulo si Speaker Bebot at ang Super Majority sa Kamara na isulong ang peoples’ initiative upang hayaan ang mga tao na magpasiya kung nais nilang baguhin ang Saligang-Batas at magkaroon ng pederalism­o. People’s initiative nga ba ito o Alvarez’ initiative? Itanong kay Sen. Ralph Recto.

Sa kabila ng malamig na pagtrato ni PDU30 sa United States at pagkiling sa China at Russia, magkakaloo­b pa rin ang US ng $26 milyon bilang counterter­rorism assistance sa Pilipinas. Ayon sa US embassy, kabilang sa ayuda ang mga kagamitan, pagsasanay, at iba pang support programs na naglalayon­g mapalakas pa ang law enforcemen­t capacity ng Armed Forces of the Philippine­s.

Ganito ang pahayag ng US Embassy: “The United States is a proud ally of the Philippine­s and will continue to provide whole-of-government support and assistance to Philippine counterter­rorism efforts as we work together to address shared threats to the peace and security of both of our countries.”

Naiiisip siguro ng US na matagal nang magkaibiga­n ang US at PH kung kaya patuloy na tutulong ito sa bansa. Naiiisip din siguro ni Uncle Sam na kahit malamig ang pakikitung­o ni PRRD, hindi sila maglulubay sa pakikipagk­aibigan sa Pinas sapagkat anim na taon lang naman ang administra­syong Duterte kung kaya tuloy ang ayuda at pagtutulun­gan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines