Balita

Kapamilya shows, nangunguna pa rin

- Ador V. Saluta

NANGUNA

at naungusan ng mga programa ng ABS- CBN, partikular sa daytime at primetime airing, ang mga programa ng GMA-7 mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 9, 2018, ayon sa survey ng Kantar Media/TNS.

Bukod sa noontime show na It’s Showtime, at primetime FPJ’s Ang Probinsyan­o, nasungkit ng ABS- CBN ang lahat ng top spots para sa weekday at weekend, both daytime at primetime.

Hindi nakaungos ang GMA-7 at nakapasok sa No. 1 spot.

Maliwanag na tinalo ng It’s Showtime ng ABS-CBN ang iba pang mga programa para sa weekday daytime. Number 1 ito noong Hulyo 29, Hulyo 2, at Hulyo 3.

Ipinakita rin sa survey na consistent ang mataas na ratings ng Kapamilya noontime show kaysa Eat Bulaga! ng GMA-7.

Jun 29 Jul 2 Jul 3 Jul 4 It’s Showtime (ABS-CBN) 18.7% 15.8% 15.8% 16.5%

Eat Bulaga! (GMA-7) 10.7% 10.9% 10.6% 12.1%

Lamang din ang It’s Showtime sa weekend nang umere ang Saturday episode nito at nakakuha ng rate na 28.4%, noong Hunyo 30. Tampok sa partikular na episode ang finale ng Miss Q & A pageant ng programa. Sa kabilang banda, nakatangga­p lamang ang Eat Bulaga! ng Kantar rating na 11.1%.

Samantala, nananatili namang first place ang FPJ’s Ang Probinsyan­o sa weekday primetime. Doble ang kalamangan ng action series ni Coco Martin kaysa The Cure, ng Kapuso station. nakatakda namang magwakas ang serye nina Jennylyn Mercado at Tom

Rodriguez sa Hulyo 27. Jun 29 Jul 2 Jul 3 Jul 4 FPJ’s Ang Probinsyan­o (ABS-CBN) 40.2% 39.2% 42.9% 45.3%

The Cure (GMA-7) 14.8% 15.4% 16% 16%

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines