Balita

‘Fantastic Beasts’ character, ipinasilip ni Johnny Depp

-

IPINAKITA ng aktor na si Johnny Depp sa fans ng Harry Potter ang itsura ng kanyang karakter bilang ang maputla at pasaway na kontrabida­ng si Grindelwal­d, habang nagdedeliv­er siya ng monologue sa audience ng San Diego ComicCon nitong Sabado.

Sinorpresa ni Johnny ang madla ng science fiction at pop culture fans nang bigla siyang sumulpot mula sa kadiliman, blonde ang buhok, at nakasuot ng full costume. Nagpalakpa­kan naman ang 6,500 fans na nasa loob ng convention hall.

“The great gift of your applause is not for me, but for yourselves,” sabi ni Johnny, in English accent, dahil sa kanyang karakter, kasabay ng pagkumpas- kumpas umpas niya ng magic wand. nd.

Kasunod ng appearance earance Johnny ay nagkaroon oon ng panel discussion kasama sina Eddie Redmayne, yne, Jude Law at iba pang tampok sa upcoming movie movi e na Fantastic Beasts: easts: The Crimes of Grindelwal­d, ang pangalawan­g pelikula sa limang spinoff ng beloved Harry Potter films. Sa kanyang on-stage speech, ipinaliwan­ag ipina ni Johnny— J ohn na in character cha pa rin bilang si Grindelwal­d— Gr ang pananaw ng mga Muggles, mga ordinaryon­g or tao na walang magical mag powers. ““I I do not hate them,” them, sabi niya. ““I I say the Muggles are not lesser, not worthless, but of other value. Magic blooms only in rare souls.” “The moment has come to rise

up and take our rightful place in the world,” dagdag pa niya.

Hindi sumali si Depp sa panel discussion at hindi rin siya tumanggap ng anumang tanong pagkatapos ng saglit na pagtatangh­al.

Ang FantasticB­easts: The Crimes

of Grindelwal­d ay isinulat ng Harry Potter author na si J.K. Rowling, at ipalalabas sa mga sinehan sa Nobyembre.

Bibida sa pelikula, na mula sa AT&T Inc’s Warner Bros. studio, si Eddie bilang ang “magizoolog­ist” na si Newt Scamander at si Jude naman ang batang Dumbledore, ang headmaster ng Hogwarts boarding school kung saan natuto si Harry Potter at kanyang mga kaibigan na maging wizards.

Inihayag ni Rowling na ang batang Dumbledore ay matutuklas­ang isang gay man na umibig kay Gellert Grindelwal­d, na kalaunan ay isa palang bayolente at masamang wizard.

Binanggit naman ni Jude na maaaring makita sa bagong pelikula ang pinakamadi­lim at pinakamasa­limuot na bahagi sa mundong nilikha ni Rowling.

“The wizards within the wizarding world are suddenly asked what side they are on, what side they choose to join,” sabi niya. “Everything is at stake.”

 ??  ?? Johnny
Johnny

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines