Balita

Folayang, babawi si ONE

- Annie Abad

MAKABAWI sa kanyang naging kabiguan noong nakaraang Nobyembre ang nais na maisakatup­aran ni dating lightweigh­t champion na si Eduard Folayang sa kanyang muling pagsabak sa sagupaan ng ONE: Reign of Kings sa Hulyo 27 sa MOA Arena sa Pasay, City.

Makakahara­p ni Folayang ang Russian na si Aziz Pahrudinov sa isang undercard match ng nasabing labanan, kung saan aniya ay hindi na niya hahayaan na may makaisa pang muli sa kanyang kakayahan.

“The last time that I was in Manila, I let everyone down with my performanc­e. It has haunted me ever since,” ani Folayang.

Siniguro ni Folayang na isang magandang labanan ang matutungha­yan ng mga manonood at ng kanyang mga taga subaybay gayung nais aniya na mapawagian ito upang makabawi.

“Come this fight, I am coming back for redemption. I am going to war and win it,” ayon pa sa 33 anyos- na Mixed Martial Artist na si Folayang.

Bagama’t hindi magiging madali, gayung ang kanyang makakalaba­n na si Pahrudinov ay kinikilala din bilang isa sa mga pinakamatg­aling na pambato ng Russia sa MMA kung saan may rekord itong 20 panalo kung saan 13 dito ay buhat sa submission at anim dito ang knockout.

“This is going to be a good, exciting fight, and I am excited. I will do my best to keep every advantage and win. He does not have many weaknesses, but I would like to test his striking. Let’s see if he can keep up with me on the feet,” pahayag ng Baguio based na martial artist na si Folayang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines