Balita

R3- B sa Marawi, R659- B sa edukasyon ibubuhos ng gobyerno

- Genalyn D. Kabiling

Halos P3.5 bilyon ang gagamitin ng gobyerno para tustusan ang pagbangon ng Marawi City sa digmaan sa ilalim ng panukalang national budget sa susunod na taon.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kuntento siya sa rebuilding ng Marawi at nangakong patuloy na aalalayan ang mga residenten­g itinaboy ng limang buwang terror siege noong nakaraang taon.

“The Task Force Bangon Marawi is doing a great job, as evidenced by the fact that more than 70 percent of its displaced residents have returned to the City,” sinabi ng Pangulo sa kanyang budget message sa Kongreso.

“To reassure the residents of Marawi that the government will take care fo them, we are allocating P3.5 billion, under the P20.0 billion National Disaster Risk Reduction and Management Fund, to augment the funds for the ongoing rehabilita­tion and reconstruc­tion efforts,” aniya.

Karargdaga­ng P1.3 B ang isasantabi para ibigay sa 55th Engineerin­g Bridge upang makatulong sa rehabilita­tion at reconstruc­tion ng Marawi City, ayon sa Pangulo. EDUKASYON PA RIN Ang sektor ng edukasyon pa rin angmakakuk­uhangpinak­amalaking parte ng panukalang P3.757-trilyon national budget para sa 2019 sa gitna ng mga planong magkaloob ng libreng matrikula sa state universiti­es and colleges, kumuha ng mga karagdagan­g guro, at magkumpuni at magtayo ng mga silid aralan.

“With a total budget of P659.3 billion, the Education Sector remains the top recipient under the 2019 National Budget in terms of allocation,” anang Pangulo.

Sa ilalim ng 2019 budget proposal, sinabi ng Pangulo na tatanggap ang Department of Education (DepEd) ng P528.8-B, susundan ng SUCs, P65.2B; Commission on Higher Education (CHED), P50.4-B; at Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA), P14.8-B.

Sinabi ni Duterte na itinaas ng gobyerno ang budget para sa Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) sa P51-B sa 2019 mula sa P40-B noong nakaraang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines