Balita

23 W. Visayas chiefs, binalasa

- Tara Yap

ILOILO CITY – Dahil sa mababang performanc­e, partikular sa kampanya laban sa ilegal na droga at sugal, nagdesisyo­n si Police Regional Office (PRO-6) director Chief Supt. John Bulalacao na balasahin ang nasa 23 pulis.

Apektado ng balasahan ang mga istasyon sa Aklan, Antique, Capiz, at Iloilo kung saan nasa walong police commander, sa ilalim ng Iloilo Police Provincial Office, ang inilipat.

Kabilang dito sina Senior Inspectors Ramil Jacaba, ng bayan ng Bingawan; Ma. Theresa Lero, ng Mina; Kenn Albert Lepsia, ng San Rafael; gayundin sina Chief Insp. Cyril Octavio, ng Leon; at Inspector Oman Estabillo, ng Igbaras.

Apektado rin sina Senior Inspector Mary Socorro Borio, ng Arevalo district; at Jose Val Ladublan, ng La Paz district; gayundin sina Chief Insp. Juvy Navales, ng Mandurriao district.

Inilapat din mula Aklan Police Provincial Office sina Senior Insp. Eleazar Climacosa, ng bayan ng Balete; Alfonso Manoba; at Chief Inspector Rogelio Tomagtang, Jr., ng Altavas.

Sa Antique Police Provincial Office, apektado sina Senior Inspectors Wennie Andico, ng Sebaste; at Christian Mahometano, ng Laua-an; gayundin sina Chief Insp. Juvy Cordero, ng Tobias Fornier; at Insp. Roger Diin ng Anini-y.

Sa Capiz, apektado sa Capiz Police Provincial Office sina Senior Insp. Bryant Fallers, ng Jamindan; Generoso Algarne, Jr., ng Pilar; at Hancel Lumandaz, ng Sapian; at si Insp. Tobias Garfin, ng Dumarao.

Habang apat namang pulis ang inilipat mula Negros Occidental Police Provincial Office at ito ay sina Senior Insp. Celjun Nemenio, ng Candoni; Joevito Bose, ng Don Salvador Benedicto; at sina Chief Insp. Joshua Villasis, ng Moises Padilla; at Robert Mansueto, ng bayan ng Sagay.

Samantala, hindi pa tinukoy kung saan madedestin­o ang mga nasabing pulis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines