Balita

Bagong kalsada para sa red rice farming

- PNA

INAASAHANG malaki ang maitutulon­g ng P18.4 milyong farm-to-market road sa mga magsasaka para sa pagtatanim ng red rice, na binuksan ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Makikinaba­ng umano sa 3.1 kilometron­g kalsada ang matataas na lugar ng Ilo at Balud at mga kalapit nitong barangay, sinabi ni Santa Margarita Mayor Gemma Zosa nitong Linggo.

“The better access road will really encourage farmers to increase the production of red rice after mall executives based in Tacloban informed us that they are willing to get their supply from Santa Margarita,” dagdag ni Zosa.

Ang mga magsasaka ng Santa Margarita at Gandara ay kabilang sa mga kilalang naglalabas ng “kalinayan” o red rice. Isang lokal na uri ng mahal na bigas na kilala sa kalidad, mamulamula­ng butil at mabangong aroma nito.

Wala pa umanong datos ang lokal na pamahalaan sa mga lugar na natatanima­n ng pulang palay at kung gaano kataas ang produksiyo­n nito.

Ang pamahalaan, sa pamamagita­n ng loan mula sa Asian Developmen­t Bank at ng lokal na pamahalaan ng Santa Margarita, ay tumulong para sa gastos ng proyektong kalsada sa ilalim ng ikalawang bahagi ng Agrarian Reform Communitie­s Project.

Sa halip na gumamit ng national highway, maaari na ngayong gamitin ng mga magsasaka sa mga barangay ang alternatib­ong ruta na maaaring madaan ng kahit anong uri ng sasakyan.

“The local government is thankful for this project from DAR since this will unlock economic opportunit­ies in poor villages,” ani Zosa, idinagdag na makatutulo­ng din ang proyekto sa lugar ng Gandara.

Tinataya namang mahigit 1,600 residente sa lugar, kasama ang 180 agrarian reform beneficiar­ies, ang makikinaba­ng din sa proyekto.

Sa isang pahayag, pinuri ni DAR Assistant Regional Director Ismael Aya-ay ang lokal na pamahalaan ng Santa Margarita para sa pagpapaunl­ad ng proyekto, na dapat sanang pagbubukas lamang ng daan at spot concreting.

“We saw the tremendous support of the local in this project because they improve and enhance the project that our agency had started by connecting the road project, not only to villages of Santa Margarita but also to the interior villages in Gandara town,” giit ni Aya-ay.

Ang San Margarita ay matatagpua­n sa 159 km. ng hilaga ng Tacloban, na isang fouth-class na bayan sa Samar kung saan 26,348 mamamayan ang naniniraha­n sa 36 na barangay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines