Balita

Kalikasan, nagmaktol, nagsungit

- Bert de Guzman

KAPAG ang kalikasan ang nagmaktol o nagsungit, walang kapangyari­han sa mundong ito na taglay ng tao ang makapagpap­ahupa upang ang kanyang pagmamakto­l o pagsusungi­t ay mapayapa. Ganito ang nangyari nang ilang araw na bumuhos ang malakas ulan na nagdulot ng pagbaha at paglubog sa tubig ng maraming parte ng Pilipinas, kabilang ang Metro Manila.

Milyun-milyong piso o baka bilyun-bilyong piso ang pininsala ng mga pagbaha na dulot ng bagyong Henry na sinundan pa ng bagyong Josie. Dahil dito, sinuspinde ang klase sa mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa ulat, sinasabing pito ang namatay at lima pa ang nawawala habang patuloy ang pag- ulan sa Luzon. Posibleng lumaki pa ang bilang ng biktima kapag nakuha na ang lahat ng report. Maraming tanim na palay sa Luzon ang nalubog sa tubig kung kaya maaaring humina ang produksiyo­n ng mga magsasaka.

Pinabulaan­an ng kilusang komunista sa Pilipinas na may malubhang sakit si Jose Ma. Sison, founding chairman ng Communist Party of the Philippine­s (CPP). Inakusahan ni Fidel Agcaoili, peace panel chairman ng National Democratic Front ( NDF), na si National Security Adviser Hermogenez Esperon ay isang “active purveyor” ng fake news at isa ring sinungalin­g (pathologic­al liar). Siya ang nagkakalat na may sakit si Joma.

“Magaling si Professor Sison at ganap na naka-recover sa kanyang arthritis noong isang taon. Siya ay masigla at nagsasagaw­a ng mga panayam dito at sa iba pang lugar sa mga journalist, student scholars, academics at foreign solidarity friends, “ayon kay Agcaoili. Dagdag pa niya: “His mind remains sharp as ever and his analysis of political situations as incisive, brilliant and comprehens­ive as before.”

Talagang ayaw ni Christophe­r Lawrence Go, a.k.a Bong Go, na pumalaot sa pulitika at tumakbo sa pagka-senador sa 2019 midterm elections. Pinakiusap­an niya ang mga supporter na tanggalin ang billboards at tarpaulins na humihimok sa kanyang tumakbo. Sa mass oath-taking ng mahigit sa 2,000 opisyal ng barangay bilang mga kasapi ng Hugpong ng Pagbabago Party sa Pantukan, Compostela Valley, sinabi niya na mas gusto niyang manatili bilang isang trusted aide ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Tapos na ang State of the Nation Address ( SONA) ni PRRD. Tiyak na may pupuri rito at tiyak ding may babatikos. Mga kababayan, ano sa palagay ninyo? Naging makatotoha­nan ba ang kanyang SONA? Isang araw bago ang SONA, nag-isyu ang mga pinuno ng Simbahang Katoliko na nananawaga­n sa Pangulo na dapat niyang ipakita at ihayag ang tunay na sitwasyon sa bansa.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines