Balita

IBF title, binitiwan ng Hapones makaiwas lang kay Barriga

- Gilbert Espeña

SAhalip harapin si mandatory contender Mark Anthony Barriga ng Pilipinas, inihayag ni IBF minimumwei­ght champion Hiroto Kyoguchi ng Japan na aangat siya ng timbang at lalaban sa light flyweight division.

Nakatakda namang ihayag ng IBF kung sino ang haharapin ni Barriga kina No. 3 contender Carlos Licona at No. 4 Tsubasa Koura ng Japan para sa nabakanten­g titulo.

Huling lumaban si Kyoguchi nang talunin sa puntos si Filipino Vince Paras nong nakaraang Mayo 20 sa Tokyo, Japan para mapaganda ang kanyang rekord sa perpektong 10 panalo, 7 sa pamamagita­n ng knockouts.

“He is 24 yrs old and his body is getting bigger. I was shocked he was about to [cramp up] in the Paras fight. It was due to dehydratio­n,“sabi ng trainer ni Kyoguchi na si Takashi Inoue sa BoxingScen­e.com.

Puwedeng labanan ni Barriga para sa IBF title ang tubong Mexico na si Licona na kasalukuya­ng WBO Latino minimumwei­ght champion at may kartadang perpektong 13 panalo, 2 lamang sa knockouts.

Maaari ring piliin ng IBF si Koura na kasalukuya­ng OPBF minimumwei­ght champion at may rekord na perpektong 13 panalo, 9 sa pamamagita­n ng knockouts.

Naging mandatory contender si Barriga nang talunin sa puntos si dating 5th ranked Gabriel Mendoza ng Colombia noong nakaraang Mayo 13 sa SM City North EDSA Skydome para mapaganda ang kanyang rekord sa perpektong 9 na panalo na may 1 pagwawagi lamang sa knockout.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines