Balita

FEU at UST, lalarga sa PVL

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 9:00 n.u. -- La Salle vs Adamson (m) 10:00 n.u. -- St.Benilde vs NU (m) 2:00 n.h. -- San Beda vs FEU (w) 4:00 n.h. -- Perpetual vs UST (w) 6:00 n.g. -- Perpetual vs UST (m)

TARGET ng Far Eastern University at University of Santo Tomas ang ikalawang panalo sa magkahiwal­ay na laro sa women’ division ng Premier Volleyball League (PVL) 2 Collegiate Conference ngayon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nakatakdan­g kalabanin ng Lady Tamaraws ang ngayon pa lamang sasabak na San Beda University sa unang laro sa women’s ganap na 2:00 ng hapon habang makakatapa­t naman ng Tigresses ang University of Perpetual Help ganap na 4:00 ng hapon.

Tinalo ng Lady Tamaraws, sa pangunguna ni reigning UAAP Best Blocker Celine Domingo ang College of St.Benilde, 3-2 para sa una nilang panalo noong nakaraang weekend habang winalis naman ng Tigresses ang San Sebastian College Lady Stags sa una nilang laban.

Umaasa ang mga coaches na sina George Pascua ng FEU at Kungfu Reyes ng UST na kapwa magpapakit­a ng improvemen­t ang kani-kanilang koponan sa mga susunod nilang laban.

“Marami pang dapat ayusin at gawan ng adjustment­s sa laro namin.Pero happy naman ako sa ipinakita nila sa first game ,” pahayag ni Reyes.

Mauuna rito, magtatangk­a ring masungkit ang ikalawang sunod nilang panalo sa men’s division ang Adamson, National University at College of St.Benilde.

Unang sasabak ang Falcons na namayani ng straight sets sa Perpetual Altas sa una nilang laban ganap na 9:00 ng umaga kontra De La Salle na bigo naman sa unang laban nito sa University of the Philippine­s (2-3).

Mag- uunahan namang magtala ng ikalawang panalo ang Blazers at Bulldogs sa kanilang pagtutuos ganap na 11:00 ng umaga.

Samantala sa huling laro ganap na 6:00 ng gabi, pangalawan­g dikit ding panalo ang puntirya ng UST kontra Perpetual na talo naman sa unang laban nito sa NU (1-3).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines