Balita

Away sa parking: 1 patay, 4 sugatan

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Arestado ang isang guwardiya matapos nitong pagbabaril­in ang limang katao, na ikinasawi ng isa sa mga ito, dahil sa away sa parking space sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sasampahan ng kasong murder at attempted murder si Jobel Baet, nasa hustong gulang, guwardiya ng isang security agency na matatagpua­n sa 468 Lavesares Street, corner Ilangilang St., sa Binondo.

Si Baet ang itinuturon­g bumaril sa biktimang si Albert So, 40, ng Lavesares St., na hindi umabot nang buhay sa ospital; gayundin sa mga sugatang biktima na sina Vivian Ilagan, 40, na under observatio­n; magkapatid na sina Pinky Loraine V. Flores, 7; at Rosalina V. Flores, 10; kapwa residente ng Bagong Alay Street, Binondo; at Jesse Ogalino, 34, ng Elcano Tower III, Binondo.

Sa ulat ng Manila Police District ( MPD)- Crimes Against Persons Investigat­ion Section (CAPIS), naganap ang insidente sa pinagtatra­bahuhan ng suspek, bandang 2:20 ng hapon.

Nagtalo sina Baet at So sa parking space, na nauwi sa pagbunot ng una ng baril at pinagbabar­il ang huli.

Tinamaan naman ng bala ang apat pang biktima na nagkataong nasa lugar nang maganap ang insidente.

Isinugod sa ospital ang mga biktima, ngunit dead on arrival si So habang naaresto ng rumesponde­ng mga tauhan ng MPD-Station 11 si Baet.

Nakumpiska sa suspek ang isang .9mm na Rock Island Armoury Caliber pistol, na ginamit nito sa pamamaril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines