Balita

Janine, napaiyak kay Alden

- Nora V. Calderon

OVERWHELME­D pala si Janine Gutierrez nang i-offer sa kanya ang action-drama-telefantas­ya na Victor Magtanggol, na pinagbibid­ahan ni Alden Richards.

“Excited po kasi ako dahil first time kong gagawa ng telefantas­ya,” ,” sabi ni Janine. “Minsan, nag-guest po ako sa

Encantadia, pero sandali lang iyon, n, hindi tulad dito. Saka work po lamang ito, as a contract star, kailangan ko pong gawin ang project na ibinibigay nila sa akin.”

Sino si Gwen Regalado, ang character niya sa serye na idinidirek ni Dominic Zapata?

“Isa po akong tour guide na nagtatraba­ho noon sa Canada. Iwas po ako sa mga boys, hanggang na-meet ko si Victor Magtanggol. Hinahanap naman niya ang nanay niya at naging magkaibiga­n kami. Hanggang sa maiin love ako sa secret character niya bilang isang superhero at ako ang magko-cover ng mga adventures niya bilang si Hammerman.” Kumustang katrabaho si Alden? “Napakahusa­y niya, napaka-warm na katrabaho. He’s simple, masyadong mabait, siya iyong taong grabeng magtrabaho at hindi mo mariringga­n ng reklamo. Good vibes siya lagi, kahit madaling-araw na nakangiti pa rin siya. “At At napatunaya­n n kong mahusay siyang actor, dahil may isang eksenang eksena hindi naman ako kasama, nasa isang tabi lamang ako at pinapanood pinap ko ang eksena nang magkita magki na sila ng nanay niyang si Tita Coney Co ( Reyes). Nadala Nad talaga ako sa confrontat­ion scene, kaya sabi ni Direk Dom, ‘Janine, ‘Ja hindi ka naman kasama sa s eksena, bakit umiiyak ka?’ Ang husay po kasi ni Alden, tapos ang husay-husay din ni Tita Coney.” Natawa naman siya nang tanungin kung hindi ba niya inisip na maba-bash siya ng AlDub fans, na ayaw na may ibang leading lady si Alden. Ready na siya sa mga bashers na kahit ang gamit niyang lipstick ay pinakikial­aman? Kamakailan ay sinabihan si Janine na cheap daw dahil P395 ang gamit niyang lipstrick. Kahit ang bálat (birth mark) niya ay pinagdiski­tahan nila. “Naku, natatawa na po lang ako sa kanila, hindi ko na pinapansin. Kapag may pinansin sila sa akin, naghahanap na lang ako ng sagot na matatawa sila. Tulad nga po ng aking bálat, sagot ko na lamg ‘kawawa naman ang bálat ko’.”

 ??  ??
 ??  ?? Janine
Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines