Balita

Michelle, ‘di nagmamadal­ing sumikat

- Ni REGGEE BONOAN

ILANG pelikula na rin ang nagawa ni Michelle Vito, pero gayon lang siya naging leading lady ng bidang Hashtag member na si Jon Lucas, sa pelikulang Dito Lang Ako. Marami kasing restrictio­ns sa sarili si Michelle, pero hindi niya pinagsisis­ihan kung medyo natatagala­n ang pagusad ng career niya kahit na anim na taon na ang nakalipas nang i-launch siya ng Star Magic. Kasabayan niya sina Julia Barretto at Liza Soberano. Ako, okey lang po ako, eh. Hindi naman po ako nababagala­n. Baka iniisip nila na napag-iiwanan ako, pero kasi naniniwala ako sa tamang timing talaga. Time nila ngayon, time nina Julia ngayon, nina Liza, so naniniwala ako na darating din ‘yung time para sa akin. Kung ano yung dapat para sa akin,” paliwanag ni Michelle. Pero may mga pagbabawal pa rin si Michelle hanggang ngayon. Hindi ko po kaya ang two piece. Puwede siguro onece, pero naka-short pa. Siguro in time, pero sa ngayon, hindi ko pa po talaga kaya,” katwiran ng dalaga. May mga ino-offer pong mature role, pero hindi ko po kayang tanggapin since feeling ko hindi ko pa kayang gawin at 22 (years old). Gusto ko po sana maranasan muna yung teenage role bago mature roles. Hindi ko pa kasi naeenjoy,” pangangatw­iran ng aktres. Bata pa kasi nang mag-artista si Michelle, pero hindi naman siya naghahanap ng projects dahil mas gusto ang nasa bahay lang siya. Hindi po kasi ako mahilig lumabas o gumala. Mas gusto ko po sa bahay lang.” Ayaw ipabanggit ni Michelle kung anong serye ang inooffer na tinanggiha­n niya. May kissing scene, bed scene. Siguro po kaya ko pang mag-bikini, pero ‘yung may physical scene, hindi ko pa po kaya.” Ang seryeng tinanggiha­n ni Michelle ay mataas ang ratings at laging pinag-uusapan ng lahat. Okay lang po kasi desisyon ko po ‘yun. Actually, nag-audition po ako sa seryeng iyon, pero ang in-audition ko player hindi ‘yung bida. Sabi nila i-try ko ‘yung lead role Tapos tinanong nila kung kaya ko ‘yung kissing scene, bed scene, hindi ko po kaya. Sabi ko lahat po hindi ko kaya. Marami po akong restrictio­ns,” kuwento ng dalaga. Isa rin siguro sa mga dahilan kaya sayaw tumanggap ni Michelle ng sexy role ay dahil nag-aaral pa siya sa College of St. Benilde, at nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo sa kursong Human Resource Management. Plano ko po talaga Psychology class kaso wala namang offer Benilde kaya Human Resource po at saka maraming ychology class. If nag-La Salle (University) po ako, mahihirapa­n ako kasi very strict sila sa absences,” saad ng aktres.

Sa ilang taon aon na ni Michelle lle sa showbiz z ay hindi siya nakaramdam n g depresyon.

“Wa la a naman po, wala la naman akong ng naramdaman n na ganyan, siguro uro po kasi malaking bagay na pumapasok k ako sa school kaya ‘yung yung isip ko hindi lang g nakafocus sa showbiz howbiz kasi maraming ng nasa showbiz na iyon yon lang po talaga ang ng nasa isip nila. “Like ako kasi, kahit may ginagawa akong movie, may

Home Sweetie Home ako plus another 2 movies, pumapasok pa rin ako (sa school) kasi ayaw ko pong nasa showbiz lang ang isip ko.

“Kasi once na may masamang nangyari sa akin, mastress ako or made-depress ako. So gusto ko ang buhay ko, normal life pa rin, may buhay outside showbiz,” punto ng dalaga.

“Sobrang important po kasi sa akin ang education, kahit nu’ng bata ko may nag-aalok na sa aking mag-artista, umaayaw pa ako kasi nag-aaral pa ako noon. Kahit po ngayon na sumobra na ako sa absences, nagpapasab­i na po ako sa handler ko na hindi na ako puwedeng tumanggap pa ng ibang show. Mahirap po kasing pinagsasab­ay ang pag-aaral at artista.”

Samantala, gagampanan Michelle ang karakter na Nelia na nagtatraba­ho sa Blade car accessorie­s, at kasama niya si Jon bilang si Delfin, hanggang mabuo ang magandang samahan nila.

Nasa Dito Lang Ako movie rin sina Ms Boots Anson Roa, Akihiro Blanco, Garie Concepcion, Senpai Kazu, at Roadfill ng Moymoy Palaboy. Mapapanood ang Dito Lang Ako sa Agosto 8, sa direksiyon ni Roderick Lindayag, produced ng Blade Entertainm­ent. May mall show ang buong cast sa Sta. Lucia Mall sa Agosto 4, 3:00 pm; at sa SM Taytay, 7:00 pm. Sa SM Megamall Cinema 7 naman ang red carpet premiere sa Agosto 6.

 ??  ??
 ??  ?? Michelle
Michelle

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines