Balita

Alden, interesado­ng magdirek

- Ni NORA V. CALDERON

MASYADONG na- in love si Alden Richards sa ginagawa niyang actiondram­a- fantasy series, ang

Victor Magtanggol, na this early ay gusto na rin niyang mag-try magdirek.

“Kahit po sana isang eksena lang dito sa Victor

Magtanggol, bigyan ako ng chance ni Direk Dominic

Zapata,” sabi ni Alden after the mediacon ng serye.

“Siguro po napapansin ni Direk Dom na after kong mag-take, o kapag wala akong eksena, nasa OB-Van ako. Nakikita ko po kasi kung paano niya ihanda ang eksena, at tinatandaa­n ko ang mga ginagawa niya. Kaya sana po bago matapos itong serye namin, mabigyan ako ng chance.”

Gusto ba niyang siya rin ang nasa eksena?

“Hindi po, gusto ko iba ang ididirek ko. Baka hindi ko kayang idirek ang sarili ko,” natatawang wika ni Alden.

Nang tanggapin daw ni Alden ang offer ng GMA Network to do Victor

Magtanggol matapos niyang mabasa ang synopsis nito, ipinangako na niya sa sarili na ibibigay niya ang lahat ng kaya niya para magampanan ang role niya.

“Nagsimula na po akong bumalik sa training, halos araw-araw nasa gym ako. At since maganda na ang katawan ko, may isa na akong eksenang nagpakita ako ng katawan, abangan po ninyo kasi nagawa ko na. Isa ring highlight dito iyong eksena namin sa palengke na two days naming kinunan.”

Ano ang feeling niya nang isuot na niya ang kanyang superhero costume?

“Iba po ang feeling ko, at very thankful po ako. Una kay God for the blessings and to GMA Network for the opportunit­y at faith in me sa pagbibigay nila ng project na ito sa akin. Kaya po ibibigay ko ang lahat para sa proyektong ito.”

Bale dalawang role nga ang gagampanan ni Alden bilang si Victor Magtanggol, isang pangkarani­wang anak at kapatid na gustong mahanap ang ina kaya sinundan ito sa Canada.

“Gusto ko po kasing malaman bakit niya iniwan kami ng family niya, para lamang sumama sa ibang pamilya, at doon po talaga magaganap ang confrontat­ion scene namin ni Ms. Coney ( Reyes),” kuwento ni Alden.

“At bilang si Hammerman, na hindi ko alam na ako pala ang tagapagman­a ng makapangya­rihang Mjolnir na lalaban sa kasamaan ni Loki ( John Estrada) at ng kanyang mga kampon.”

Mapapanood na simula sa Lunes, after ng 24 Oras, hindi ba kinakabaha­n si Alden na malakas ang programang katapat nila?

“Kinakabaha­n po ako, pero malaki ang tiwala ko sa proyektong ito na naiiba naman sa mga napapanood na nating teleserye,” pag-amin ni Alden. “Iba rin ang mga kasama ko rito, na ilan sa kanila first time kong makatrabah­o pero masaya po ang set namin, lahat kami tulung-tulong sa ikagaganda nito.”

 ??  ?? Alden
Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines