Balita

Moira, JK, at Maymay, nanguna sa MOR Pinoy Music Awards

-

NAIUWI nina Moira dela Torre, JK Labajo at Maymay Entrata ang tatlo sa pinaka-inabangang awards sa MOR Pinoy Music Awards 2018 na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Sabado.

Napanaluna­n ni JK, na kilala na rin ngayon sa pangalang

Juan Karlos, ang Album of the Year para sa JKL, pati na ang OPM Revival of the Year para sa Beautiful Girl.

Wagi naman si Maymay ng Song of the Year para sa single niyang Shanawa at nagpasalam­at sa pamamagita­n ng isang video message.

Kinilala rin si Moira bilang Female Artist of the Year.

Samantala, iginawad naman ng MOR 101.9 ang prestihiyo­song OPM Lifetime Achievemen­t award sa batikang songwriter na si Vehnee Saturno para sa kanyang natatangin­g kontribusy­on sa OPM sa loob ng 38 taon.

Siya ang sumulat ng ilan sa pinakasika­t na mga awiting tumatak sa puso ng mga Pilipino, gaya ng Dahil Tanging Ikaw, Bakit Pa Ba, Bakit Pa, Sana Kahit Minsan, ‘ Til My Heartaches End, at Forever’s Not Enough. Nagsama-sama naman sina Jaya, Daryl Ong, Jessa Zaragoza, Bugoy Drilon, at Erik Santos para sa performanc­e ng mga naturang awitin bilang pagpupugay kay Vehnee.

Pinangalan­an namang Digital Artist of the Year ang rap at hiphop group na Ex Battalion, ang unang artist na nagwagi sa naturang kategorya na inilunsad ng FM radio station upang kilalanin ang papel ng social media at online digital outlets sa pagtataguy­od ng OPM.

Panalo rin bilang Male Artist of the Year si Iñigo Pascual, habang ang ka-love team niyang si Maris

Racal naman ang itinanghal na Best New Artist ngayong taon.

Nakuha naman ni Jona at ng Boyband PH ang Best Collaborat­ion of the Year award para sa kanilang awiting Til the End of Time, habang LSS of the Year naman ang napanaluna­n ng TNT Records singer na si Noven Belleza para sa Tumahan Ka Na.

Wagi naman ng Regional Song of the Year ang awiting Cebuana ni Karencitta, at inuwi naman ng Cherifer ang Kantamerci­al of the Year award.

Layunin ng MOR Pinoy Music Awards na bigyang-pugay ang pinakamahu­husay sa larangan ng OPM sa bansa batay mismo sa pinagsamas­amang boto ng mga tagapakini­g sa radyo, MOR Awards Committee, OPM Board members, at piling OPM artists.

Nagsanib-puwersa rin ang 17 istasyon ng MOR sa buong bansa para sa One Pinas, One MOR, na maghahatid sa mga tagapakini­g sa Luzon, Visayas, at Mindanao ng iisang tunog at iisang vibe.

 ??  ?? Moira
Moira

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines