Balita

Sunday Pinasaya, may two-part anniversar­y special sa TWAC

-

ESPESYAL ang mga bisita ni Igan Arnold Clavio ngayong Miyerkules dahil pangunguna­han nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Victor Magtanggol star Alden Richards ang Sunday Pinasaya cast sa pagbisita sa Tonight with Arnold Clavio (TWAC). Makakasama sa two-part anniversar­y special ang ibang Sunday Pinasaya hosts na sina Valeen

Montenegro, Lovely Abella, Kim Last, Taki, at Boobsie Wonderland. Ikukuwento nila ang mga pasabog na magaganap sa programa ngayong Agosto— mula sa kanilang special production numbers kasama ang kani-kanilang teams, at maging ang Puso ng Saya Awards, hanggang sa bagong konsepto ng kanilang theme song na ‘tila may kurot sa puso.

At dahil kapwa laman ng social media sina Marian at Alden, sasabak sila sa challenge na “Trot or #Fakenews” na tungkol sa ilang trivia sa kanilang buhay at nakaraan.

‘Trot’ nga ba na pangarap ni Alden ang maging isang doktor noong bata pa siya? O #FakeNews nga ba na chicken nuggets ang paboritong lutuin ni Marian para sa asawang si Dingdong Dantes?

Sasalang din ang ilang cast sa kuwelang Stop Dance Showdown. Team Alden at Boobsie kaya ang makakakuha ng tamang dance steps o Team Taki ang unang gagalaw? Abangan ang hatol d’yan ni Judge Marian.

Hindi rin sila makakaligt­as sa tatak TWAC game na “Sino?”. Hulaan kung sino sa kanila ang palaging nabubulol at kung sino naman ang pinakamaku­lit. At dahil laging viral at trending ang Sunday

Pinasaya, isasalang din ang cast sa ilang nakakaaliw na viral challenges gaya ng Paper Challenge, Shiggy Dance Challenge, at Waist Challenge. Pero ang ‘di dapat palampasin, ay kung paano naging winner si Marian sa nakakatuwa­ng Cookie Challenge!

Matuto ring sumayaw habang nanonood ng TV, naglalaba, o nagluluto kasama si Marian bilang si Brenda at ang kanyang Budots-Budots gang! May oneon-one tutorial pa si Primetime Queen kay Igan!

Pero ang hindi dapat palampasin ay ang Chef Boy Next Door Segment ni Alden kung saan icha-challenge niya ang kanyang mga ka-Saya sa ilang mahihirap na tanong kapalit ng kanyang kakaibang menu.

Alamin kung ichi-chika ba nila ang sagot sa mahihirap at personal na tanong, o ichi-chibog na lang at mamimili sa menu ni Chef Boy Next Door.

Abangan ang first part ng Sunday Pinasaya anniversar­y celebratio­n sa TWAC, ngayong Miyerkules, 10:15 ng gabi sa GMA News TV.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines