Balita

Spice Girls are getting back together –Mel B

- Reuters

MABUBUO nang muli ang British pop band na The Spice Girls, sinabi nitong Lunes ng miyembro nitong si Mel B.

Inihayag ng singer, na kilala rin bilang si Scary Spice, sa isang British television talk show na sumang-ayon ang lahat ng miyembro ng Spice Girls sa isang comeback reunion.

“For sure we are getting back together,” sabi niya sa Loose Women show ng ITV.

Ang apat pang ibang miyembro ng grupo ay sina Victoria Beckham ( Posh Spice), Melanie Chisholm (Sporty Spice),

Emma Bunton (Baby Spice), at Geri Horner, formerly Geri Halliwell (Ginger Spice).

Nabuo ang grupo noong 1994, at kumita ng milyun-milyon ang kanilang album sales sa kasagsagan ng kanilang karera, kabilang ang hits na Wannabe at Say You’ll Be There, na nanguna sa charts sa buong mundo.

Nilisan ni Geri ang grupo noong 1998 at naghiwa-hiwalay na rin ang apat pang miyembro makaraang i-release ang album na Forever noong 2000.

Nabuong muli ang grupo noong 2007 hanggang 2008 para sa isang tour, at mukhang mabubuo ulit ngayong taon.

“We’re sisters at the end of the day and what we went through was quite an amazing, brilliant, journey so we’re together, we’re back together,” lahad ni Mel B nitong Lunes.

“There’s one that’s been a bit difficult (Beckham). But she’s getting roped in,” aniya pa.

 ??  ?? Spice Girls
Spice Girls

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines