Balita

R. Kelly, kontrobers­iyal sa 9-minutong ‘I Admit’

-

INAMIN ni R. Kelly ang lahat ng kanyang mga pinagdaraa­nan daraanan at problema sa kanyang bagong ong 19-minute song, kabilang na ang mga ga alegasyon ng sexual abuse laban sa kanya na nagdulot ng lamat sa maganda anda niyang career.

Ayon sa TIME, ipinost nost ang kantang I Admit sa Soundcloud nitong Lunes. s. Nagsimula ang track sa a lyrics na, “I admit I have made some mistakes/And I have some imperfect ways.”

Naging personal naman si R. Kelly sa kabuuan ng kanta, at lahad niya sa awitin na “(he likes) all the ladies, that’s both older and young ladies,” kasunod ang: “But tell me how they call it pedophile because that (expletive) is crazy.”

Matagal nang inaakusaha­n at sinisita ang pag-uugali ng entertaine­r. Minsan na siyang pinaratang­an ng child pornograph­y makaraang kumalat ang videotape na nakikipagt­alik siya sa isang teenage girl, nakita pa sa video na inihian niya ang dalaga. Ibinasura ang lahat ng kaso laban sa kanya noong 2008 at nagpatuloy siya sa kanyang career.

Sa I Admit, sabi niya, siya ay “not convicted, not arrested, dragged my name in the dirt/All this work to be successful, when you abandon me ’cause of what you heard.”

Isa si R. Kelly sa best-selling artists ng pop music. Ilan sa kanyang hit songs ang Ignition, I Believe I Can Fly, Step in the Name of

Love at Bump Bu N’ Grind. Nakapagsul­at na rin siya s ng kanta para sa mga kapwa niya mang-aawit, gaya ng para kina k Celine Dion, Michael Jackson Jacks hanggang kay Lady Gaga. Gaga Kahit na nagsusulat siya ng n classic love songs at mga gospel music, tanyag rin siya sa pagsusulat ng mga sexually explicit songs gaya ng Feelin’ on Yo Booty, Your Body’s

Calling Me, at Sex Me at iba pang mas bulgar na mga kanta. Sa kanyang bagong kanta, isiniwalat niya rito na siya ay biktima ng seksuwal na pang-aabuso noong siya ay bata pa. Aniya, “a family member touched me” at inamin din niyang siya ay “so scared to say something, so I just put the blame on me.”

Sinabi rin niya rito na “he does not own his music”, na siya ay na- drop sa eskuwelaha­n at “( he) couldn’t read the teleprompt­er when the Grammy’s asked me to present (an award).”

Ang I Admit ay hindi inilabas sa RCA Records ng Sony, kung saan may kontrata si R. Kelly. Wala namang komento ang label tungkol sa naturang awitin.

“Now the truth in this message is I’m a broke (expletive) legend/The only reason I stay on tour, is ’cause I gotta pay my rent,” kanta niya sa bagong track.

Noong Mayo, nagsampa ng sexual battery ang isang babae laban kay R. Kelly, panghahawa ng herpes, at sa ginawa nitong pagkulong sa kanya bilang parusa.

 ??  ?? R. Kelly
R. Kelly

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines