Balita

Kontrobers­ya sa Asiad volleyball team

- Annie Abad

HINDI pa man naititindi­g ang suhay, unti-unti nang sumasadsad ang Philippine women’s volleyball team bunsod ng kontrobers­ya at sigalot halos tatlong linggo bago ang 2018 Jakarta Asian Games.

Hinog sa pilit, matapos isama sa delegasyon kahit hindi nakapasa sa ‘ criteria’ para sa pagpili ng Philippine Team, sumabulat ang isyu nang korapsyon nang sampahan ng kasong ‘Theft’ sa National Bureau of Investigat­ion (NBI) si Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. executive Ramon ‘Tatz’ Suzara ng Philippine Super Liga (PSL) Board.

Ang PSL ang isa sa dalawang commercial volleyball league sa bansa na pinaghugut­an nang mga players ng LVPI.

Ayon sa source na may direktang access sa koponan, dalawang regular players ang nakatakdan­g kumalas sa koponan bilang suporta sa pagalis ni reserve setter Rhea Dimaculang­an sa nakalipas na linggo.

Aniya, napagpasiy­ahan ng dalawa na umalis na lamang sa National team dahil sa hindi masikmuran­g pamamalaka­d ng LVPI sa pamumuno ng acting president na si Peter Cayco.

Sa kabila ng pagtuligsa ng mismong LVPI secretary general na si Ricky Palou sa pagbuo ng Asian team dahil sa kakulangan ng kahandaan, itinuloy ni Cayco ang pagbuo ng 14-woman lineup para sa Asiad na gaganapin sa Agosto 18 hanggang Setyembre 12.

Hindi rin sinang- ayunan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpapadal­a ng women’s volleyball team bunsod ng katotohana­n na hindi ito pumasa sa criteria at hindi makabuo ng koponan sa ensayo, ngunit iginiit ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pangangail­angan sa exposure ng volleyball.

“If that’s what they want, no problem with us. Basta hindi namin yan gagastusan. Kung gusto nila gastusan nila (POC) tapos reimbursed namin kung magmedalya,” sambit ni PSC Commission­er Ramon Fernandez.

Ang PH volleyball team ay kabilang sa Pool A sa Asian Games kasama ng host Indonesia, Southeast Asian powerhouse Thailand, Asian champion Japan at Hong Kong.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines