Balita

Balasahan sa Kamara, nakaamba

- Ben R. Rosario

Kalahati ng committee chairmansh­ip at iba pang matataas na puwesto ang maaapektuh­an sa isasagawan­g balasahan ng bagong talagang si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay dahil na rin sa napipinton­g pag-take over ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez sa liderato ng PDP-Laban contingent sa Mababang Kapulungan.

Papalitan ni Benitez si dating Speaker Pantaleon Alvarez, bilang party secretary general.

Pupunan din ng PDP-Laban, ang pinakamala­king political group sa Kamara, ang iba pang posisyon na inaasahang babakanteh­in kasunod na rin ng hidwaan sa pagitan ng grupo nina Arroyo at Alvarez.

Pinangunah­an ni Benitez ang PDPLaban sa pagsuporta kay Arroyo sa pagtatalag­a rito bilang bagong lider ng Kamara kapalit ni Alvarez.

Ibinunyag naman ni Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na tatanggala­n ng mga puwesto, kabilang na ng chairmansh­ip, ang mga kongresist­ang hindi sumuporta kay Arroyo sa pagsusulon­g na gawin itong House Speaker, dahil miyembro ng minorya ang mga ito.

Inaasahan din ang pagbibitiw ni Suarez bilang lider ng minorya upang tuluyang sumama kay Arroyo. Si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza ang pinangalan­an nitong hahalili sa kanya sa minority bloc.

“At least 50 percent of the top positions in committees and other bodies will be affected by the leadership change,” ayon pa kay Suarez.

Pinag-aagawan naman ng mga sumusuport­a kay Arroyo, ang majority leadership post na kasalukuya­ng hawak ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines