Balita

Sam, gigil sa halikan

- Ni REGGEE BONOAN

ASAR- TALO si Sam Milby sa ginanap na media conference para sa teleseryen­g Halik, dahil tinutukso siya ng co- actors niyang sina Jericho Rosales, Yen Santos, at Yam Concepcion dahil “nangangain” daw siya ng labi sa kissing scenes.

Panay lang ang ngiti ni Sam at wala lang sa kanya kung bakit nagtatawan­an ang lahat, nang magtanong ang isang kasamahan namin sa media kung ano ang hindi malilimuta­n nina Yen at Yam sa kissing scenes nila sa aktor.

“Ginawa ko naman in a profession­al way,” sabi naman ni Sam.

Base sa trailer ng Halik, na bagong serye ng RSB Unit, bad boy ang karakter ni Sam dahil kinaliwa niya ang asawa niyang si Yen, bagay na ikagugulat ng manonood dahil sanay silang good parati ang mga ginagampan­ang papel ng aktor.

Nabanggit naman ni Sam na challenge sa kanya itong Halik, dahil bago sa kanya ang karakter niyang si Ace, na asawa si Jade (Yam), pero nagkarelas­yon siya kay Jacky (Yen), na asawa naman ni Lino (Jericho).

Masalimuot daw ang kuwento ng Halik at sentro ito sa pandaraya at kabitan, ayon kay Yam. Childhood sweetheart­s sina Sam at Yen, kaya nung nagkita sila ay huli na dahil mag-asawa na nga sila ni Echo, pero nagkulang ito kaya nagkaroon sila ng relasyon ni Sam.

At dahil tungkol sa dayaan sa isang relasyon kaya natanong si Sam kung nasubukan na niyang mangaliwa o kaliwain ng exgirlfrie­nds niya.

“Hindi ko masasabing nagtaksil siya (ex-gf), kasi after high school graduation nagpunta ako rito sa Pilipinas para magauditio­n for modelling, 2002 ‘yun. Pero na-miss ko siya kaya bumalik ako sa States para sa kanya (balikan), pero pagdating ko sabi niya, ‘I have feelings with somebody else, I’m in love with somebody else’ so, ganu’n. Seven months kaming break tapos naging kami ulit.”

Inamin din ni Sam na ang karakter niyang Ace ang sexiest role na nagawa niya.

“This is the sexiest role na nagawa ko, taksil pero pinakamaba­it at mapagmahal na asawa ang karakter ko rito. Pero may mga nangyaring hindi maganda, marami akong eksena na topless. May isang eksena na very passionate ‘ yung scene, mapusok talaga.”

Base sa paglalaraw­an naman ni Yam, gigil na gigil humalik si Sam, pero mabilis niyang iniliaw na ‘yun naman talaga ang acting na hinihingi ng istorya.

Kaya natanong si Sam kung sino ang nami-miss niyang halikan, dahil bakit gigil siyang humalik at bakit siya iniwan? Panay lang ang ngiti ng aktor dahil alam na nito kung saan papunta ang susunod na tanong sa kanya.

“Para sa akin out of respect parang hindi naman tamang sagutin ang tanong na ‘yan, ‘di ba?” sagot ng aktor.

Sinundan ng tanong ulit kung bakit iniwan si Sam ng ex-girlfriend niya:

“I was asked that question before.” Hindi na nagawang sumagot pa ulit ng aktor dahil sinalo na siya ni Echo.

“Balato n’yo na lang sa akin ito kasi friend ko si Mari Jasmine, palampasin na natin ito,” sabi ni Echo.

Biniro si Echo kung paano niya nalaman na si Mari Jasmine ang tinutukoy na ex-girlfriend ni Sam gayung walang pangalan na binanggit.

“Eh, sino pa ba? Alangan namang si Anne ( Curtis). Ang tagal na no’n at ang tagal na single ni Sam at sino ba latest niya?”

Akala ng aktor ay doon na nagtapos ang tanong sa kanya tungkol kay Mari Jasmine, pero natuloy pa rin ito pagkatapos ng mediacon.

Hindi naman itinanggi ni Sam na nagulat siya sa pag-out ng exgirlfrie­nd niya tungkol sa sexual preference nito ngayon na may karelasyon­g kapwa babae.

“I was very surprised. Yeah, I didn’t expect and there were no signs (we are together). So, I was surprised lang nung nalaman ko.”

Karelasyon ngayon ni Mari ang film director na si Samantha Lee, na nakilala namin sa presscon ng pelikulang Baka Bukas (2016), mula sa Cinema One Originals. Hiningan si Sam ng reaksiyon sa pag-out ng dating karelasyon, at tungkol sa bago nitong pag-ibig.

“I don’t really wanna say too much. I knew a while before. Pero nung kami, no signs, no signs. Wala. I didn’t know she was open for that kind of relationsh­ip, so I had no idea.

“That’s not my story to tell in terms of her side. From my understand­ing, this is her first time to experience a relationsh­ip with a woman, but walang overlappin­g.

“We’re okay. We’re friends. And I’m at a point, especially with her, like, if that’s where she’s happy, then I’m happy for her. No bitterness in that sense.” Base rin sa pagkakaala­m namin ay matagal nang hiwalay sina Sam at Mari Jasmine nang maging karelasyon naman ng model/blogger/TV host ang film director.

Kaya in fairness naman to Mari ay walang katotohana­ng kinaliwa o nangaliwa siya sa panahong karelasyon niya si Samuel. Anyway, mapapanood na ang Halik sa Agosto 13, at kasama rin sina Amy Austria, Alan Paule, Precious Lara Quigaman, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Almira Muhlach, Christian Bables, Hero Angeles, Chai Fonacier, JC Alcantara, Jane De Leon, Gab Lagman, at Ria Atayde.

Ito ay sa direksiyon nina Cathy Camarillo at Carlo Po Artillaga.

 ??  ??
 ??  ?? Yam
Yam
 ??  ?? Sam
Sam
 ??  ?? Jericho
Jericho

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines