Balita

Alden, napaiyak kay Coney y

- Ni NORA V. CALDERON

MAGAAN kaagad ang loob ni Ms. Coney Reyes kay Alden Richards nang una silang magkakilal­a. Kaya naman nang i-offer sa kanya ng GMA-7 ang role ng ina ng aktor sa Victor Magtanggol ay hindi siya nagdalawan­gisip na tanggapin ito.

“Matagal ko na siyang gustong makatrabah­o,” sabi ni Coney. “Gusto kong makita kung paano siya magtrabaho. At hindi nga ako nagkamali, napakabait niya. Sa unang eksena pa lamang namin, nag-usap na kami at sinabi niya na nami-miss niya ang Mama niya dahil sa akin.

“Nagkuwento siya, umiiyak na siya pagkatapos. Ako rin, naiyak na, nagyakap na kami. Feeling ko anak ko siya at nanay niya ako. At bago kami nag- take, sinabi ko sa kanya kung puwede kaming mag-pray at pumayag siya. Alam kong napaka- prayerful person niya kaya ang eksenang iyon anointed one, ng mag-inang longing for the love of the mother and the son.

“Anak ko si Victor pero umalis ako iniwan ko ang pamilya ko para magtrabaho abroad, pero nagkaroon ako ng second family abroad at hinanap ako ni Victor. Kaya nang mahanap niya ako, matinding drama ang nangyari sa amin. Kinunan pa naman iyon sa isang park sa Japan,” kuwento ni Ms Coney.

Kumusta namang katrabaho si Alden?

“Gusto ko ring malaman kasi kung paano magtrabaho si Alden. Pero una pa lamang, nakita ko nang normal lang siya, walang kaere- ere, very hardworkin­g na hindi mo iisipin sa kanyang stature dahil sikat na sikat na siya, pero iba siya talaga.”

Ang nabanggit na eksena nila sa Japan ang unang scene ni Ms. Coney sa Victor Magtanggol, na mapapanood na simula sa Monday, July 30, after ng 24 Oras.

 ??  ??
 ??  ?? Connie at Alden
Connie at Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines