Balita

PNP: Drug war ‘chilling’ lang sa mga adik

-

Isang babala sa mga suspek sa ilegal na droga ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), na magiging mabagsik at nakakikila­bot ang pagpapatul­oy ng kampanya laban sa ilegal na droga tulad nang simulan ito noon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokespers­on, Senior Supt. Benigno Durana, Jr., intensyon lamang ni Pangulong Duterte na balaan ang mga drug suspect na patuloy sa mga ilegal na aktibidad. Hindi umano ito direktang nangangahu­lugan na magiging madugong muli ang drug war.

“It doesn’t necessaril­y mean that it will be bloody. The chilling effect that we want to [send] is that there will be certainty of punishment. These drug pushers will be horrified and frightened [with] our intensifie­d campaign against illegal drugs,” ani Durana.

Dagdag pa ni Durana, “This is one thing that we fail to realize: that these pushers they are merchants of death. Mangangala­kal ng kamatayan. They destroy lives. They ruin relationsh­ips. They make families dysfunctio­nal. Grabe ‘yung salot na idinudulot ng mga mangangala­kal ng kamatayan na ito.”

Kasabay ng direktiba ng Pangulo na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga, sinabi ni Durana na asahan na ng publiko ang kanilang pagtalima sa kautusan. Sa katunayan, aniya, pinag-aaralan na ng national oversight committee sa Camp Crame kung paano mapapagand­a ang kanilang estratehiy­a.

“It may mean increase in the number of arrests it may mean increase in number of arrests and neutraliza­tion of high-value targets (HVTs),” paliwanag niya.

Kasunod nito, umapela siya sa mga kritiko ng pamahalaan na tulungan sila sa problema ng ilegal na droga, sa pamamagita­n ng pagre-rehabilita­te ng mga sumusuko.

“At the same time, these intensifie­d campaign will also generate some critics but we are appealing to the critics that they don’t just criticize. Help the government in the scourge that we are experienci­ng right now in our problems on illegal drugs. They should help us in rehabilita­ting drug users,” sabi ni Durana.

Base sa datos ng PNP, hindi bababa sa 4,655 drug suspect, mula Hulyo 1, 2016-Hulyo 22, 2018 ang namatay sa kampanya ng administra­syon laban sa ilegal na droga.

Samantala, nasa 1.2 milyong drug surrendere­r ang naitala ng PNP kung saan nasa 200,000 dito—o 17 porsiyento ang sumailalim sa recovery at wellness program ng PNP, simbahan, nongovernm­ent organizati­ons (NGOs), at iba pang samahan sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines