Balita

Pinakamala­king error ni Alvarez: No-el

- Ni ELLSON A. QUISMORIO

Ang paglutang sa posibilida­d ng hindi pagsasagaw­a ng halalan, o “noel”, ang pinakamala­king pagkakamal­i ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez, ayon kay Buhay Party-List Rep. Lito Atienza.

“’Yung kanyang persistent, consistent talk about no-el is giving Congress a bad, bad image,” sinabi ni Atienza kahapon sa press conference. “To me that is the biggest error that the Speaker committed. He miscalcula­ted his role as Speaker.”

Pinatalsik ng mga kapwa kongresist­a si Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker nitong Lunes, ilang minuto bago ang State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pinalitan siya ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo

Sa unang bahagi ng buwang ito ay iminungkah­i ni Alvarez ang hindi pagsasagaw­a ng mid-term elections sa Mayo ng susunod na taon, upang matutukan ang planong baguhin sa federal ang pamahalaan sa bansa.

“Can you imaging cancelling the Philippine elections? Even the President had a hard time disengagin­g himself because people thought idea niya ‘yun. People thought kaming mga congressme­n kasama dun,” sabi ni Atienza, Senior Deputy Minority Leader. “Now it’s of record, we are not part of the no-el position.”

Una nang lumutang na ang pagpapatal­sik kay Alvarez at may kinalaman sa naging away nila ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ng Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines