Balita

R2/ minute charge, itinanggi ng Hype

- Martin A. Sadongdong Alexandria San Juan

Matapos ipatawag ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa umano’y labis na paniningil, mariing itinanggi ng ride-sharing firm na Hype ang alegasyon ng pagpapataw ng P2 per minute travel time charge sa kanilang mga pasahero.

Nilinaw ni Nick Escalante, pangulo ng Hype Transport Systems Inc., na hindi umano sila nagdadagda­g ng P2 kada minuto, pero inamin na naniningil sila ng P1.25 per minute sa ilalim ng beta testing mode.

Bagamat itinanggi ang pagpapatup­ad ng P2 per minute, sinabi ni Escalante na humihingi na sila ng pahintulot sa ahensiya para sa P1.25 minute charge.

“Ini-implement namin ‘yan doon sa beta testing naming, because we want to see that all aspects of our system would be working well before we finally put it in full commercial operation of our system,” paliwanag ni Escalante.

Nitong nakaraang linggo, naglabas ang LTFRB ng show cause oder laban sa Hype para ipaliwanag ang ilegal na paniningil ng P2 per minute sa kanilang mga pasahero.

Base sa accreditat­ion paper ng Hype, aprubado ng pamahalaan ang P40 base fare para sa kotse, P70 sa SUV, at P100 para sa mga van, isang P14 per kilometer rate, at dobleng surge cap.

Matatandaa­ng nito lang unang bahagi ng Hulyo ay pinatawan ng LTFRB ng P10-milyon multa ang Grab dahil rin sa “illegally” na pagpapatup­ad ng P2 dagdag-singil.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines