Balita

Senado ‘di excited sa Cha-cha

- Vanne Elaine P. Terrazola

Nagpasya ang Senado na maghinay-hinay sa paghihimay sa panukalang amyendahan ang 1987 Constituti­on at paglipat sa federal government sa kabila ng panawagan ng kanilang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpulong ang mga senador sa allmember caucus nitong Martes ng hapon kung saan nagkasundo sila na huwag madaliin ang panukalang Charter change (Cha-cha) at federalism­o.

“Both the majority and minority are united in not rushing Cha-cha,” sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Sa kanyang panig, sinabi ni Recto na nararamdam­an niya na “a great majority is against” sa planong paglipat dahil naniniwala ang mga ito na matatamo pa rin ng mga alternatib­o ang harangarin ng federalism­o.

“Federalism will add to the bureaucrac­y, red tape, more taxes, greater tension in government, will promote dynasty, bad for economy, credit down grade, etc. Better to amend Local Government Code, implement Supreme Court decision on IRA (internal revenue allotment) and focus on creating jobs and a lower inflation rate,” aniya.

Sinabi ni Recto na nagkasundo sila na ipagpatulo­y ang mga deliberasy­on sa Cha-cha at federalism­o, kabilang na ang panukalang federal constituti­on ng Consultati­ve Commission, sa pamamagita­n ng mga pagdinig ng Senate Committee on Constituti­onal Amendments and Revision of Codes.

Binanggit ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na bukod SA opposition senators, maging ang mga miyembro ng majority bloc ay “skeptical” sa panukalang Cha-cha, lalo na sa paraan ng botohan.

“Ayaw ma-trap ng Senado sa isang Constituen­t Assembly na walang clear guidelines on voting separately,” ani Zubiri.

Sinabi ni Minority Leader Franklin Drilon na nagkasundo sila na hintayin ang committee report bago pagdebateh­an ang Cha-cha.

Para kay Sen. Francis Pangilinan, committee chairman, “the responsibl­e and appropriat­e response is not to rush charter change.”

Nauna nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto, na nais ng mga senador na linawin ang mga inaasintan­g pagbabago para sa transition sa federal government.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines