Balita

17-anyos, 1 pa, kalaboso sa R100K marijuana

- Alexandria San Juan at Jun Fabon

Isang 17-anyos na lalaki na una nang nasagip sa ilegal na droga ang naaresto kasama ang kanyang kasabwat nang masamsaman ng mahigit P100,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Quezon City, nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Quezon City Police District Director, Chief Supt. Joselito Esquivel, Jr., inaresto si “Arjay,” 17, kasama ang kanyang kasabwat na kinilalang si Evander Gilo, 20, residente ng Camarin, Caloocan City.

Bago ang insidente, inaresto ng QCPD Drug Enforcemen­t Unit si Arjay sa drug sting noong Hulyo 2017, matapos makuhanan ng limang kilo ng marijuana.

Siya ay itinurn over sa QC Social Services Developmen­t Department para sa program interventi­on at pinalaya noong Abril 2018.

Matapos siyang palayain, si “Arjay” ay isinailali­m sa close monitoring ng QCPDNovali­ches Police Station (PS-4) sa pakikipagt­ulungan sa mga barangay officials.

Gayunman, nalaman ng awtoridad na muling nagbalik sa ilegal na aktibidad ang suspek.

Nakipag-deal ang pagsasanib puwersa ng anti-illegal drugs unit ng PS-4 at QCPD at Philippine Drug Enforcemen­t Agency kina “Arjay” at Gilo sa tapat ng isang convenienc­e store sa Quirino Highway sa Barangay Bagbag, Novaliches, dakong 3:45 ng madaling araw.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang stalk ng pinatuyong dahon ng marijuana at dalawang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana, na may bigat na 1,020 gramo at nagkakahal­aga ng P116,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines