Balita

1st world coconut congress para sa pagpapasig­la sa industriya ng niyog

- PNA

ANG

mga isyung bumabalaki­d sa industriya ng pagniniyog at kung paano ito matutuguna­n ang kabilang sa mga pangunahin­g layunin ng pagdiriwan­g ng 32nd National Coconut Week (NCW) sa Metro Manila, sa susunod na buwan.

Inaasahang pangunguna­han ng mga lokal at banyagang eksperto ang talakayan sa 1st World Coconut Congress (WCC), isa sa mga aktibidad para sa pagdiriwan­g ng NCW ngayong taon sa Agosto 14-16.

Kabilang sa mga tatalakayi­n sa paunang WCC ang ‘global coconut supply and demand situation’, ‘ action plan for increasing Philippine coconut supply’, ‘ making the coconut supply and value chain sustainabl­e and competitiv­e’, ‘ as well as opportunit­ies in integrated coconut processing.’

Pagtutuuna­n din ng pansin ng mga kalahok sa WCC ang non-traditiona­l coconut product, ang mga napagtampu­yan sa paggamit ng langis ng niyog, gayundin ang benepisyon­g hatid ng niyog sa kalusugan.

Kapwa nakaangkla ang WCC at NCW sa temang “The time is now,” na nangangahu­lugan ng pagmamadal­i sa kinakailan­gang aksiyon upang maiangat at mapalakas ang industriya ng pagniniyog.

Samantala, ang Philippine Coconut Authority (PCA) ang nakatakdan­g mamuno sa isang linggong aktibidad.

Sinabi ng PCA na ang taunang pagdiriwan­g ng NCW ay para sa niyog na tinagurian­g “tree of life” at nakamandat­o sa ilalim ng Proklamasy­on 142 serye ng 1987.

Bukod sa WCC, ngayon taon din nakatakdan­g idaos ang trade fair, exhibit, minicookin­g festival tampok ang niyog, coconut-inspired fashion show, at ang palihan para sa integrated pest management at oportunida­d sa pagnenegos­yo mula sa bunot ng niyog.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines