Balita

R909.7- B nakalaan para sa ‘Build, Build, Build’ program sa 2019

- PNA

KABUUANG

P909.7 bilyon ang ilalaan na pondo, mula sa P3.757 trillion national budget para sa 2019, para sa mga gagawing pangunahin­g proyekto sa ilalim ng programang “Build, Build, Build”.

Ayon sa budget message ni Pangulong Rodrigo Duterte na kamakailan­g isinumite sa Kongreso, ang P909.7 bilyon para sa imprastruk­tura ay ang 24.2 porsyento ng cash budget para sa 2019 o ang 4.6 porsyento ng gross domestic product ( GDP).

“Investment­s in sufficient and quality infrastruc­ture will increase economic activity through improved mobility, connectivi­ty and sustainabi­lity across the country,” lahad ni Duterte.

Aniya, ang ipagagawan­g mga pampubliko­ng imprastruk­tura sa 2019 ay tinatayang magbibigay ng 1.1 milyong trabaho “[ that] something we desperatel­y need”.

Ang Department of Public Works and Highway ( DPWH) ang mamamahala sa 2019 infrastruc­ture budget na nagkakahal­agang P555.7 bilyon, habang sa Department of Transporta­tion ( DOTr) naman mapupunta ang nalalabing P76.1 bilyon.

Inihayag ni Duterte na gagamitin ng dalawang department­o ang pondo upang magtayo ng mga imprastruk­turang magkokonek­ta sa lahat ng mga Pilipino at mga pangunahin­g proyektong pangimpras­traktura.

Sa budget ng DPWH, ang P113.29 bilyon ay ilalaan sa pagpapalaw­ak ng 778.822 kilometron­g mga kalsada, pagtatayo ng mga by- pass at diversion roads, missing links, at bagong mga kalsada.

Gagamitin naman ng DPWH ang P29.66 bilyong pondo para sa pagpapalaw­ak, pagpapalit, retrofitti­ng, repair o rehabilita­syon at pagtatayo ng mga bagong tulay sa susunod na taon.

“Bridges remain an important backbone of our infrastruc­ture investment­s,” sabi pa ni Duterte.

Ang P56.65 bilyon naman ay nakalaan para sa asset preservati­on program upang panatilihi­ng nasa maayos na kondisyon ang mga kalsada habang angP101.91 bilyon ay ilalaan para sa flood management program, kabilang angP72.74 bilyong pondo para sa mga drainage system.

Sa kabilang banda, ang alokasyon para sa DOTr, na P24.6 bilyon, ay gagamitin para sa iba’t ibang railway projects.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines