Balita

Andrea gusto lang makaipon Andrea

- Nora V. Calderon

ANG ganda-ganda ni Andrea Torres sa costume niya bilang si Sif, ang asawa ni Thor, sa Norse Mythology, na pupunta sa human world para gabayan si Hammerman, ang superhero character ni Alden Richards as Victor Magtanggol, sa action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol.

Biro kay Andrea sa media conference, bakit hindi niya pinapalita­n ang pangalan niyang ‘Sif’, na tulad ng pangalan ni Sef Cadayona, na balitang naging boyfriend niya.

“Iyon po ang totoong pangalan ng character ko, ang diosang si Sif. Hindi po puwedeng palitan iyon, bawal sa Norse Mythology,” natatawang sagot ni Andrea.

“Pero okey lang sa akin, happy ako na na-consider ako rito sa big serye ng GMA, na first time akong gaganap na diosa. First time ko ring makagawa ng telefantas­ya dahil noon, gumawa ako sa afternoon prime, ang Ang Lihim Ni Annasandra pero nagiging taong lobo lang ako roon. Iba rito, maganda dahil si Sif, hindi masyadong seryoso ang character, may alaga nga siyang dala-dala lagi, si Ratty.”

Pinansin namin ang headband niya, totoo bang may power ang headband na iyon, anong power?

“Iyon po ang dapat nilang abangan,” nakangitin­g sagot ni Andrea. “Meron po, marami, at gagamitin ko iyon para matulungan ko si Hammerman. Iyon po ang reason kung nakikita ninyo ako sa eksena na laging nakabalot ang ulo ko, dahil nga sa headband ko. Basta happy po ako na na-consider ako sa project na ito.”

Hindi ba siya nagdalawan­g-isip na tanggapin ito knowing na hindi pa nga sila nagte-taping at napabalita lang na ka-love team siya ni Alden ay may namba-bash na sa kanya.

“Hindi po, nagpasalam­at pa ako nang na-consider ako rito. It’s an honor po na makasama sa isang big production ng GMA. Ang tiningnan ko rito, iyong may bago akong project, makakaipon na naman ako. Last ko pa po kasi si ang Alyas Robin Hood.

May mga nagli-link k na raw sa kanya anya kay Alden.? n.?

“Hindi ndi ko po pinapansin napansin dahil hindi di naman ako dapat t i-link sa kanya. Hindi ito ang first time na nagkasama ma kami ni Alden kasi may ginawa na kami noon sa Wagas ng GMA News ews TV, at nagkasama ama rin kami sa noontime oontime show noon oon ng GMA 7.

“At si Alden, ang nakikita kikita ko sa kanya, anya, napakabait abait niyang tao, o, hindi siya nagbabago, babago, napaka- humble pa rin niya sa kabila ng mga success n a dumarating sa kanya. Wala siyang reklamo sa trabaho, pa-good vibes siya kahit madalingar­aw na nagte-taping pa kami, nakangiti pa rin siya. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanya.”

Sa Norse Mythology, ang makakasama ni Andrea ay sina John Estrada, Pancho Magno, Miguel Faustman at may special participat­ion ang Hollywood actor na si Conan Steven bilang si Thor. Sa Lunes na ito, July 30, after ng 24 Oras sa GMA -7.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines