Balita

Demi Lovato, stable na sa ospital

-

ISINUGOD ang pop star na si Demi Lovato sa isang ospital sa Los Angeles nitong Martes dahil sa umano’y overdose, ayon sa media reports. Bukas sa publiko ang buhay ni Demi, 25, lalo na ang tungkol sa paggamit niya ng cocaine at alcohol abuse. Hindi naman kaagad na nagpaunlak ng komento ang mga kinatawan ni Demi nang hingian ng pahayag ng People magazine, ngunit inihayag nito, mula sa isang hindi pinangalan­ang source, na ang singer ay “okay and stable” na.

Ayon sa TMZ, batay sa pahayag ng pulisya, natagpuan umanong walang malay si Demi sa kanyang bahay at kaagad na pinasingho­t ng Narcan, isang emergency treatment para sa opioid at drug overdoses.

Inihayag ng Los Angeles Police na rumesponde sila sa tawag nitong Martes, na may kinalaman sa babaeng nakatira sa Hollywood Hills Street, ngunit hindi nila kaagad pinangalan­an ang biktima.

Ini-release ni Demi nitong nakaraang buwan ang kantang Sober, na may lirikong: “Momma, I’m so sorry, I’m not sober anymore, And daddy, please forgive me for the drinks spilled on the floor, To the ones who never left me We’ve been down this road before, I’m so sorry, I’m not sober anymore.”

Naging tanyag si Demi sa Disney Channel shows gaya ng Camp Rock at Sonny with a Chance sampung taon na ang nakalipas, at nagsimula ng kanyang pop career sa kanyang hits gaya ng Skyscraper at Sorry Not Sorry. Sa isang YouTube documentar­y noong 2017,

sa Simply Complicate­d, umamin si Demi tungkol sa paggamit niya ng droga, pagkakaroo­n niya ng eating disorders, at paglalasin­g, at ibinunyag na una siyang gumamit ng cocaine noong siya ay 17 taong gulang pa lang.

Pumasok siya sa rehab sa edad na 18, kung saan siya na- diagnose na mayroong bipolar disorder.

Mayroong 69 milyong followers sa Instagram si Demi, at nakansela ang kanyang tour na nakatakdan­g idaos sa Atlantic City, New Jersey, ngayong araw.

Nag-trending ang kanyang pagkakaosp­ital sa Twitter nitong Martes, at nag-uumapaw ang suporta ng fans at celebritie­s para sa singer.

 ?? Demi ??
Demi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines