Balita

James Gunn, suportado ng madla

- Agence FrancePres­se

MAHIGIT

240,000 katao ang lumagda sa petisyon na humihiling sa Disney na muling i-hire ang Guardians of the Galaxy franchise director na si James Gunn, na nakatangga­p din ng suporta mula sa mga celebrity ilang araw matapos siyang sibakin dahil sa mga lumang offensive tweets.

“I’m smart enough to know this most likely won’t change anything but hopefully, this could get Disney to realize the mistake they made and not do it again in the future,” lahad ng nagngangal­ang

Chandler Edwards, na naglunsad ng petisyon sa Change.org.

“I agree on the point that if people say a bunch of stupid shit while working for a studio, the studio has full right to fire him over the possible controvers­y.

“This situation is very different, though, as he made these jokes years before he was working for Disney and also the fact that they were jokes.”

Ayon sa argumento ni Chandler, kung naparusaha­n si James sa pamamagita­n ng pagtatangg­al dito sa ikatlong installmen­t ng popular na series, “you have to do it for all the other directors who have said some crappy joke sometime in their life, which is all of them.”

Ang tweets, na ipinost noong 2008 at 2011, ay biro tungkol sa taboo topics gaya ng rape at pedophilia.

Si Gunn, 51, ay isang outspoken critic ni President Donald Trump, na naging sanhi upang busisiin ng mga conservati­ve critics ang kanyang timeline at tweets. Dinepensah­an ni Guardians star Dave Bautista si James sa Twitter. “What will you do when the #cybernazis attack you? Who will stand by you? Who will cowardly distance themselves from you? Who will punish you for horrible JOKES in the past instead of defending you for INSPIRING millions? MILLIONS!!!” post niya. Makaraang kumalat ulit ang mga offensive tweet nitong Huwebes, ginamit ni Gunn ang micro- blogging platform upang sabihin na, “I’ve developed as a person, so has my work and my humor” makaraang maging “provocateu­r” noong mga naunang taon. Binura na ni James ang kanyang account, at inilarawan niya ang kanyang sarili bilang “a very, very different (person)” kumpara sa dating siya, nang ipinost niya ang tweets. Si James ang direktor ng dalawang Guardians of the Galaxy film. Ang ikatlong pelikula sa series ay nakatakdan­g ipalabas sa 2020. Sinibak si James kasunod ng pagpapatal­sik ng Disney television network na ABC kay Roseanne Barr sa sitcom na Roseanne, dahil sa racist tweet tungkol kay dating White House aide Valerie Jarrett.

 ?? James ??
James

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines