Balita

‘Insatiable’ ipinatatan­ggal sa Netflix

-

NAKALIKOM

ng mahigit 118,000 signature ang petisyon ng isang babae tungkol sa kanselasyo­n ng upcoming dark comedy series ng Netflix, ang Insatiable, sa Change.org nitong Martes. Ayon sa petisyon, ang proyekto ay isang “tone-deaf” way para maipagpatu­loy ang “fat shaming.”

Tampok sa series si Debby Ryan bilang isang high schooler na madalas na mabully dahil sa pagiging mataba. Maraming netizen ang pumuna sa trailer, kung saan mapapanood ang mataba at payat na bersyon ni Debby. Dahil sa aksidente, napilitan siyang magpapayat at dahil dito ay nakuha niya ang atensiyon ng kanyang mga kaklase, na nais niyang paghiganti­han.

“For so long, the narrative has told women and young impression­able girls that in order to be popular, have friends, to be desirable for the male gaze, and to some extent be a worthy human … that we must be thin,” saad sa petisyon. “This series needs to be cancelled. The damage control of releasing this series will be far worse, insidious, and sinister for teenage girls, than it will be damaging for Netflix in their loss of profit.”

Idinepensa naman ni Debby sa Twitter ang series sa pamamagita­n ng mahabang liham, kung saan nakadetaly­e ang kanyang personal na pakikipagl­aban sa kanyang body image at ipinaliwan­ag niya rito na ang kanyang paniniwala sa satirical story “(brought) darkness into the light and enter difficult conversati­ons.”

“Twelve years into my own struggles with body image, struggles that took me in and out of terrible places I never want to go again, things I choose every day to leave behind, I was drawn to this show’s willingnes­s to go to real places about how difficult and scary it can be to move through the world in a body, whether you’re being praised or criticized for its size, and what it feels like to pray to be ignored because it’s easier than being seen,” lahad ng Jessie alumna. Nagsalita rin ang aktres at activist na si

Alyssa Milano, na tampok din sa show, ang fat-shaming controvers­y sa ilan niyang tweet, kabilang ang 31-minutong video post, at caption niya, “Let’s talk about that #Insatiable trailer!”

“We are not shaming Patty,” post ni Alyssa, ang tinutukoy niya ay ang karakter ni Debby. “We are addressing (through comedy) the damage that occurs from fat shaming. I hope that clears it up.”

Nagbahagi rin ang writer at executive producer na si Lauren Gussis ng kanyang mga pananaw tungkol sa kontrobers­iya, at isiniwalat niya rin ang problema sa kanyang body image, mental illness, at ang kanyang eating disorder.

“When I was 13, I was suicidal,” post ni Lauren. “My best friends dumped me, I was bullied, and I wanted revenge. I thought if I looked pretty on the outside, I’d feel like I was enough. Instead, I developed an eating disorder…and the kind of rage that makes you want to do dark things … please give the show a chance.”

Nakatakdan­g ipalabas ang Insatiable sa Agosto 10 sa Netflix. Hindi naman nagbigay ng komento ang mga kinatawan ng streaming service, ayon sa Variety.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines