Balita

Yoko Ono, gagawa ng album para sa kapayapaan

- Agence France-Presse

NITONG Martes ay inihayag ni

Yoko Ono, 85, na maglalabas siya ng bagong album, dahil kailangan na umano ang kanyang lifelong message tungkol sa kapayapaan.

Tampok sa Warzone, na ire-release sa Oktubre 19, ang mga awiting isinulat niya simula pa noong 1970, kabilang ang Imagine, ang kanyang seminal pacifist anthem kasama ang kanyang yumaong asawang si John Lennon.

“The world is so messed up. Things are very difficult for everybody,” aniya sa isang pahayag.

Ayon pa sa kanyang mga kinatawan: “It is not too late to change the world. We need Yoko now more than ever.”

Nilinaw ng Japanese-born New Yorker na ang Warzone ay hindi ang huling album na ilalabas niya bago magretiro, at sinabing gumagawa ulit siya ng panibagong album.

Ang 13 awitin sa album, na produced ng kanyang anak na si Sean

Ono Lennon, ay isinaayos upang upang mangibabaw ang boses at mensahe ni Yoko.

Alinsunod sa pahayag, inilabas din niya ang title track, na lumabas sa musical ni Yoko noong 1994, ang New

York Rock, at tungkol ito sa buhay niya kapiling si John.

Sa 2018 version, mapakiking­gan ang ungol ng elepante, kasabay ang matinding hampas sa mga intrumento, na tunog putok ng baril, at inilarawan ito ni Yoko na isang eksena ng karahasan.

“If you hear me, please help us!” pagtatapos niya.

Si Ono, na lumaki sa Tokyo at New York, ay naging kilala sa mundo ng musika nang makilala niya si Lennon at naging kanyang pangalawan­g asawa.

Tanyag ang couple dahil sa paggamit nila ng kanilang honeymoon bilang “bed-in” upang magprotest­a sa Vietnam War. Nanatili siyang aktibo sa peace causes at sa pagpeprese­rba ng legacy ni Lennon, makaraang mabaril sa labas ng kanilang apartment sa New York apartment noong 1980.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines