Balita

Pinay softbells, papalo sa World Championsh­ip

- Marivic Awitan

NAKATAKDAN­G sumabak ang Philippine Blu Girls sa darating na XVI WBSC Women’s Softball World Championsh­ip sa Chiba, Japan na may kumpiyansa sa kanilang tsansa para sa pagkakatao­n makapag qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

Ang World Baseball Softball Confederat­ion-sanctioned competitio­n ay isa sa apat na exclusive internatio­nal tournament­s na may nakatayang XXXII Olympiad berth para sa kanilang mga miyembro at affiliated national teams.

Kung ang Japan na nakakatiya­k na ng slot sa 2020 Games bilang host ang nanalo sa torneo, ang second placer ang magkakamit ng Olympic spot.

“The Blu Girls are the strongest national team ever assembled and they have shown it last year by consistent­ly beating the Top 10 teams in the world,” pahayag ni Amateur Softball Associatio­n of the Philippine­s president Jean Henri Lhuillier.

Inaasahang magpapakit­a ang Blu Girls ng mataas na performanc­e sa World Championsh­ip na gaganapin sa Agosto 2- 12 at inaasahang bibitbitin nila ang momentum sa pagsabak sa 2018 Asian Games sa Agosto 18- Setyembre 2 sa Indonesia.

Kabilang sa bubuo sa Blu Girls sina Lorna Adorable, Cheska Altomonte, Mary Ann Antolihao, Dianne Arago, Layca Basa, Arlyn Bautista, Garie Blando, Shaira Damasing, Sky Eleazar, Reese Guevarra, Ezra Jalandoni, Sierra Lange, Mia Macapagal, Nicole Padasas, Celestine Palma, Racel Palumbres, Janet Rusha, Cristy Joy Roa, Chelsea Suitos, Angelie Ursabia, at Arianne Vallestero na gagabayan ni coach Randy Dizer.

Ang 16 na koponang kalahok mula sa limang Olympic continents ay hinati sa dalawang grupo kung saan kasama ng Blu Gitls (No. 15) ang top seed US , No. 5 Chinese Taipei, No. 6 Puerto Rico, No. 7 Mexico, No. 8 the Netherland­s, No. 11 New Zealand at No. 35 South Africa sa Group A.

Kabilang naman sa Group B ang No. 2 Japan, No. 3 Canada, No. 4 Australia, No. 9 Italy, No. 12 China, No. 14 Great Britain, No. 17 Venezuela at No. 33 Botswana.

Ang top 4 teams sa magkabilan­g grupo ay uusad sa double page playoff round.

Samantala ang susunod na Olympic eliminatio­ns, ang Asia/ Oceania Qualifying Event ay nakatakda sa 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines