Balita

Folayang, balik sa ONE fight card

- Annie Abad

MAKABAWI sa kanyang naging kabiguan noong nakaraang Nobyembre ang nais na maisakatup­aran ni dating lightweigh­t champion Eduard “Landslide” Folayang sa kanyang muling pagsabak sa sagupaan ng ONE: Reign of Kings sa Biyernes (Hulyo 27) sa MOA Arena sa Pasay, City.

Makakahara­p ni Folayang ang Russian na si Aziz Pahrudinov sa isang undercard match ng nasabing labanan, kung saan aniya ay hindi na niya hahayaan na may makaisa pang muli sa kanyang kakayahan.

“The last time that I was in Manila, I let everyone down with my performanc­e. It has haunted me ever since,” ani Folayang.

Siniguro ni Folayang na isang magandang labanan ang matutungha­yan ng mga manonood at ng kanyang mga taga subaybay gayung nais aniya na mapawagian ito upang makabawi.

Sa main event ay susubukan ng isa pa ring Pinoy Martial Artist na si bantamweig­ht contender Kevin “The Silencer” Belingon na tubong Baguio City na makikipag sagupaan sa kasalukuya­ng kampeon ng ONE featherwei­ght and Lightweigh­t World Champion na si Martin “The Situ-Asian” Nguyen ng Sydney Australia.

Ayon kay Belingon, magiging isang malaking karangalan para sa kanya kung sakaling mapataob niya si Nguyen, gayung kilalang kampeon ang kanilang sasagupain.

“Kung matatalo ko si Martin (Nguyen) napakalaki­ng karangalan ito para sa akin at sa career ko,” pahayag ng 30anyos na MMA fighter na si Belingon. “Imagine, natalo ko yung 2-division champion. Ang sarap sa pakiramdam nun.”

Bukod dito, mapapanood din sa nasabing labanan ang huling laro ng mga MMA legends na sina Renzo Gracie ng Brazil at Yuki Kondo ng Japan.

Si Gracie na 51- anyos at si Kondo na 43- anyos ay nagdesisyo­n na ito na ang kanilang huling labanan para sa ONE championsh­ip, upang pagtuunan ang kani-kanilang mga propesyon.

 ?? RIO DELUVIO ?? PUMOSTE para sa media photo op sina contender Kevin “The Silencer” Belingon (kanan) ng Baguio City laban kay ONE featherwei­ght and Lightweigh­t World Champion na si Martin “The Situ-Asian” sa ONE FC sa MOA Arena.
RIO DELUVIO PUMOSTE para sa media photo op sina contender Kevin “The Silencer” Belingon (kanan) ng Baguio City laban kay ONE featherwei­ght and Lightweigh­t World Champion na si Martin “The Situ-Asian” sa ONE FC sa MOA Arena.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines